Nawala ang crush ni BJ kay Sam dahil masungit ito pero, kasalanan daw niyat makulit siya. Naka-witness kami nang pagsusungit ni Sam sa 55th Anniversary ng GMA-7. Nainis at umiyak pa ito nang maapakan ang suot na gown at si Tolits ang umalo sa kanya habang nakasunod.
Nothing to worry ang parents ng bagets dahil kahit maagang naging aware sa opposite sex, 21 years old pa raw siya manliligaw. Uunahin niyang makatapos mag-aral at patuloy na mag-aartista.
Bida si Tolits sa Ispiritista Tay May Moomoo ng Regal Entertainment at APT Films. Solo at above the title ang billing ni Vic Sotto pero, picture nila ni Tolits ang nasa poster.
Nag-deny si Wendell at di raw niya alam kung saan galing ang balita. Nagulat pa ito nang malamang nakita sila sa Alabang. Gaya ni Francine, binanggit nitong sa taping ng gag show at taping ng Bahay Mo Ba To lang sila nagkikitat pareho silang busy. Sa maniwala raw tayo at sa hindiy wala siyang lovelife.
Tinatapos ni Wendell ang pelikulang Kutob ng Star Cinema kasama sina Kris Aquino at Claudine Barretto. Natawa ang actor nang banggitin namin na kung wala lang James Yap sa buhay ni Kris, tiyak na mali-link silang dalawa.
May kissing scene sila na kinunan sa ibat ibang shots at kailangan dahil ikinasal sila sa pelikula. Sabi ni Wendell, masarap kahalikan si Kris. Sana, walang magselos!
Sa unay okey lang sa actress ang bisyo ng manager dahil maayos pa naman nitong nagagawa ang trabaho. Nagkaroon lang ng problema nang maapektuhan na ang kanyang talent fee. Dahil sa bisyo, hindi na sinasabi ng manager ang tamang halagang ibinabayad sa kanya bukod doon, kumukuha pa ito ng komisyon.
Nang hindi na makatiis, nagpa-release na lang sa kanyang managerial contract ang actress. Ang maganday hindi siya pinigilan ng manager at maluwag sa loob na pinalaya sa kanyang kontrata.