^

PSN Showbiz

Wendell, itinatanggi si Francine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ang agang tumibok ng puso ng child actor na si BJ "Tolits" Forbes. At seven years old, dalawa na ang kanyang crush. Una siyang nagka-crush kay Sam Bumatay at ngayon, si Charlotte Hermano, isa sa kambal na kasama ni January Isaac sa Surf TV commercial. Nakasama rin siya ni Tolits sa Bubble Gang Jr.

Nawala ang crush ni BJ kay Sam dahil masungit ito pero, kasalanan daw niya’t makulit siya. Naka-witness kami nang pagsusungit ni Sam sa 55th Anniversary ng GMA-7. Nainis at umiyak pa ito nang maapakan ang suot na gown at si Tolits ang umalo sa kanya habang nakasunod.

Nothing to worry ang parents ng bagets dahil kahit maagang naging aware sa opposite sex, 21 years old pa raw siya manliligaw. Uunahin niyang makatapos mag-aral at patuloy na mag-aartista.

Bida si Tolits sa Ispiritista…’ Tay May Moomoo ng Regal Entertainment at APT Films. Solo at above the title ang billing ni Vic Sotto pero, picture nila ni Tolits ang nasa poster.
* * *
Tsismis ang pinag-usapan namin ni Wendell Ramos sa presscon ng 10th anniversary ng Bubble Gang na isinabay sa opening ng Bubble Gang Toppings. Nasulat na sila na ni Francine Prieto at inalam namin ang katotohanan sa tsismis.

Nag-deny si Wendell at ‘di raw niya alam kung saan galing ang balita. Nagulat pa ito nang malamang nakita sila sa Alabang. Gaya ni Francine, binanggit nitong sa taping ng gag show at taping ng Bahay Mo Ba ‘To lang sila nagkikita’t pareho silang busy. Sa maniwala raw tayo at sa hindi’y wala siyang lovelife.

Tinatapos ni Wendell ang pelikulang Kutob ng Star Cinema kasama sina Kris Aquino at Claudine Barretto. Natawa ang actor nang banggitin namin na kung wala lang James Yap sa buhay ni Kris, tiyak na mali-link silang dalawa.

May kissing scene sila na kinunan sa iba’t ibang shots at kailangan dahil ikinasal sila sa pelikula. Sabi ni Wendell, masarap kahalikan si Kris. Sana, walang magselos!
* * *
Kahit masama sa kanyang loob, hiniwalayan pa rin ng isang actress ang matagal na niyang manager. Ang dahilan ay ang pagkalulong sa sugal ng kanyang manager.

Sa una’y okey lang sa actress ang bisyo ng manager dahil maayos pa naman nitong nagagawa ang trabaho. Nagkaroon lang ng problema nang maapektuhan na ang kanyang talent fee. Dahil sa bisyo, hindi na sinasabi ng manager ang tamang halagang ibinabayad sa kanya bukod doon, kumukuha pa ito ng komisyon.

Nang hindi na makatiis, nagpa-release na lang sa kanyang managerial contract ang actress. Ang maganda’y hindi siya pinigilan ng manager at maluwag sa loob na pinalaya sa kanyang kontrata.

vuukle comment

BAHAY MO BA

BUBBLE GANG

BUBBLE GANG JR.

BUBBLE GANG TOPPINGS

CHARLOTTE HERMANO

CLAUDINE BARRETTO

FRANCINE PRIETO

TOLITS

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with