"Ngayon ko lang sinubuan dahil baka mamantsahan ang damit. Baka tawagin na silang cast kaya ako na ang nagsubo sa kanya para maging madali ang pagkain nito. Siya na nga rin ang nagpapaligo sa sarili," anang mommy.
Sa kabilang banda, sinabi ni Direk Tony Reyes na pwede nang magdala ng pelikula ang batang aktor pero sa isang taon pa.
"Matapos niyang gawin ang Exodus ay malamang na sikat na sikat na ito," sey ni direk.
Kontrabida si Bianca sa I Will Always Love You na kung saan ay naging nobya siya ni Richard Gutierrez pero nang maghiwalay ay si Angel Locsin ang binalingan ng aktor.
Inamin ni Bianca na magiging crush niya forever ang aktor. "Hes more than a family friend. I know a lot of stories about Richard at nanatili kaming mabuting magkaibigan," anang aktres.
Ibinalita rin ni Mommy Beth na kahit naiintrigang sintunado ang boses ng anak ay hindi apektado ang show, lalo lang itong sumisikat dahil maganda ang kanyang PR.
Masaya ang flawless beauty dahil tanggap na siya ng pamilya nito at nakakabunggong braso nito ang mga taga-alta sosyedad dahil sa nobyo.
Namimik-ap na lang ito ngayon ng mayayamang bading at matrona. Pinakamababang singil nito sa bading ay P1,500 at sa matrona naman ay P5,000. Wala nang nangyari sa kanyang career ngayon kaya nakikipag-one night stand na lang ito.
Ang dating gwapong mukha ay medyo nabawasan na ng ganda pero, malakas pa rin ang sex appeal nito.