Pero, ngayon lamang kinikilala ng marami ang kanyang naging pagpupunyagi, dahil ngayon lamang naman siya pumapayag na magpa-interbyu at ikwento ang kanyang buhay na inaasahan niyang magbibigay ng inspirasyon sa marami para rin sila magpursigi at magpunyagi.
Sa gulang na 32, nagmemeari na siya ng 31 sangay ng Bodega ng Bayan, isang appliance store na nagsimula sa kanyang lugar sa Pandi, Bulacan pero ngayon ay nagsisimula nang maging nationwide. Ngayong hapon, bubuksan ang kanyang ika 31st na branch sa Pasig at ang gugupit ng ribbon ay sina Rosanna Roces at Ramon Tulfo. Inaasahang dadaluhan ang grand opening ng mga kasamahan niya sa negosyo, mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz, na kung saan ay maituturing na isang baguhan si Rico na bagaman at wala pang nagagawang pelikula ay ilang ulit nang napanood sa TV. Katunayan, ang kanyang filmbio ay inihahanda na ng Maalaala Mo Kaya.
Si Rico rin ang may-ari ng Tito Agas food chain na mayron nang 14 branches sa Kamaynilaan.
Nagsimula lamang ang Bodega ng Bayan nang iwan kay Rico ng kaibigan niyang Tsino ang pamamahala ng negosyo nitong appliances.
Hindi sinasadya ang pagkikilala nila ng nasabing negosyanteng Intsik. Minsan ay na-stranded ang sinasakyan nito sa baha. Si Rico ang tumulong para maiahon ito, katulong ang ilang mga tao na tinawag nito para sila matulungan. Naging simula yun ng kanilang pagkakaibigan. At ng pagiging isang matagumpay na negosyante ni Rico, at pagiging isang milyonaryo.
Pinamagatang Nagmamahal, Kapamilya, ito ay hosted by Bernadette Sembrano kasama ang DFA, POEA, NAITAAS, PTA, OWWA at TFC.
Excited si Bernadette sa kanyang bagong programa sapagkat dahil dito, muli niyang nakakapiling at nakikita ang pamumuhay ng mga simpleng tao, mga taong nagpapayaman sa buhay niya. Sa pamamagitan din ng programa magagawa niyang paglapitin ang puso ng mga Kapamilya sa buong mundo.
May magandang theme song ang programa na pinamagatang "Dahil Nagmamahal" na kinanta ni Sheryn Regis. Kasama ito sa bagong album ni Sheryn sa Star Records na pinamagatang "What I Do Best".
Ang Rich Sea ay isang kumpanya na nagma-manufacture at nagdi-distribute ng mga processed marine products tulad ng tuna mula sa GenSan, seafood sa Zamboanga City, squidballs, kikiam at marami pang iba na ini-export natin sa Korea. Pag-aari nito ni Rica Tay Nazareno na kung saan kumuha ng franchise si Jobert.
Nakakita ng kanyang ka-partner si Rica, isang Filipino-Chinese businesswoman, si Rosa Tan Go, at sa Oktubre 15, bubuksan ang kanilang joint venture sa Paseo de Magallanes, Makati, ang Rich Seas Fish and Seafood Restaurant na kung saan "Sa halagang P100 lang, busog na busog ka na!" anang magkasosyo.