Yam Ledesma, balik na sa pagkanta

Mistulang nag-concert ang Sunstars Recording singer-actress na si Yam Ledesma sa Kintaro Karaoke Club Restaurant sa Baliuag, Bulacan na pag-aari nina Mr. Kin at Carol Fukuda noong minsang mapasyal ito roon. May alok kasing mag-show doon si Yam, kaya’t nakipag-usap kay Ms. Carol kung kailan ito planong gawin.

Gabi-gabi kasi ay may mga dancers at singers na napapanood sa naturang pamosong Club Resto sa Baliuag. Nagagandahang chicks. Noong mapanood ko silang sumasayaw, napag-alaman kong papunta na sila ng Japan. Habang sumasayaw pala tuwing gabi sa Kintaro, parang nagsasanay na ang mga ito patungong Nagoya, Japan.

Yung mga gusto raw mag-apply sa kanila, pumunta lang sa Kintaro, Baliuag at makipag-usap sa kanya. Huwag daw lalampas ng 25 years old ang mag-a-apply.

Samantala, natanong ni Carol si Yam kung type niyang mag-Japan. Nakiusap ang dating TV host ng IBC 13, magpapayat muna siya. May movie pala si Yam with Eddie Garcia na malapit nang ipalabas. – Vir Gonzales

Show comments