Humahataw si Nadine!

Tahimik, pero humahataw ang StarStruck Avenger na si Nadine Samonte. Marami siyang shows, may ginagawang pelikula at maraming TV shows (Darna, Now & Forever).

Big hit ang grand raffle draw ng Magnegosyo’t Magsaya sa Metropolis Alabang handog ng CD Jeans direct selling na pag-aari nina Nelson at Marie Yu. Nagmodelo si Nadine ng mga bagong collections ng CD apparels at jeans. Nagkaroon din ng musicale fashion show, kasama niya sina Manilyn Reynes, Kirby de Jesus, John Medina at Viva Hot man Paolo Serrano.

Pagkatapos ng show, tuloy naman sina

Nadine sa shooting ng Lagot Ka Sa Kuya Ko ng Rocketts Films para sa kanyang last day shooting with Ronnie Ricketts at Mariz. Tapos na niya ang Ako, Legal Wife ng Regal Films. VIR GONZALES

Show comments