Nagulat na lang ako nang tumambad sa akin ang show na Gabay Sa Kalusugan. Hosts sina Dr. J (Joseph) Galvez at Dra. Ellaine Eusebio-Galvez na very pleasant and attractive ang mga personalidad, na bagay talaga sa TV.
Binigyan ko ng ilang minuto upang panoorin ito last Friday morning. Nagsimula ito ng 9:30NU. Tenga ang paksa nila that morning.
Tinalakay ng dalawang mediko ang mga sanhi ng pagkabingi at ilan pang sakit sa tenga. Malinaw ding ipinakita ang mga bahagi ng tenga at kung ano ang mga ginagawa nila sa ating pandinig.
Yon palang sobrang lakas ng tunog ng mga pinakikinggan ay nakakabingi. Maging yung ang mga trabaho ay nasa maingay na kapaligiran tulad ng mga naghuhukay sa kalye sa pamamagitan ng makinang driller, mga DJ sa disco at iba pang nagtatrabaho dito at sa mga pabrikang sobra ang ingay ng mga makinarya.
Tunay na very informative ang Gabay Sa Kalusugan. Malinaw kasing nailalahad nina Dr. J at Dra. Ellaine ang mga paksang dapat malaman ng mga televiewers. Higit na nakakatulong ang mga bigay nilang payo at pointers sa ibat ibang bahagi ng ating katawan doon sa kanilang palabas.
Ang maganda pa sa programa, meron silang ipinapakitang summary matapos ang isang portion ng show, kayat higit na nakakarating sa dapat makaalam ng mga mahahalagang bagay ukol sa mga wastong pangangalaga sa katawan.
Higit akong nagkainteres sa mga hosts ng show na dalawang manggagamot na pareho ng apelyidoGalvez. Mag-asawa pala sina Dr. J at Dra. Ellaine.
Tinawagan ko kasi ang mga telephone numbers na na-flashed sa screen after the show. Meron kasi silang Dermlink clinics sa Pasay, Makati at Pasig. Kung may mga tanong din kayo at gustong mag-suggest ng paksang tatalakayin nila sa Gabay Sa Kalusugan, tawagan ang mga numerong 853-3818 (Pasay), 843-9310 (Makati) at 633-5058 (sa Metrowalk, Pasig).
Nakausap ko mismo si Dra. Ellaine na isang kilalang dermatologist. Natutuwa naman siya at nakakuha ng feedback ang Gabay Sa Kalusugan. Nalaman ko sa kanya na ilan sa kanyang mga celebrity clients na inaalagaan niya ang mga kutis ay sina Angel Aquino, Maui Taylor, Tanya Garcia at Tintin Arnaldo.
Ang kanyang mister na si Dr. J ay ispesyalista sa head and neck surgery, facial plastic and reconstructive surgery at sa aesthetic plastic surgery. Nagpakadalubhasa pa siya sa mga larangang ito sa USA.
Tiyak na kakantahin ng "Pambansang Banda ng Pilipinas" ang "Mang Hose" at "Lets Do The Funk" na mula sa kanilang bagong album released by Universal Records. Meron ding autograph signing pagkatapos ng libreng palabas.
Kilalang-kilala na ngayon ang Orange and Lemons dahil sa kanilang mga hits na "Hanggang Kailan" at "Heaven Knows". Sila rin ang kumanta ng theme song sa toprating na TV reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother na "Pinoy Ako".