Kaso dahil mahina ang trabaho ay madaling naubos ang pera nito. Kaya balik na naman ito sa paghahanap ng mayamang matrona o bading na magagatasan. Madalas daw itong tumambay sa isang gay bar sa Baguio.
"Yung D Anothers ng Star Cinema ay kumita sa takilya. Hindi ito cheapy-cheapy movie kaya kung gusto mong panoorin ng mga tao ang isang pelikula ay dapat magkaroon ito ng kalidad. Kung P2milyon lang ang production cost ay baka hindi ito kagatin ng mga tao," sey pa nito.
Sa kanyang pagkakasakit ng tatlong linggo sa Philippine Heart Center ay hindi ko ininda ang laki ng gastos ng kanyang dialysis. Gusto kong patunayan na isa akong mabuting anak, na hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay narun ako sa tabi niya.
Namatay si itay noong Huwebes pero, magaan ang pakiramdam ko at ng pamilya dahil naibigay namin sa kanya ang aming pagmamahal, naalagaan sa kanyang pagkakasakit at higit sa lahat, pikit- matang lumaban para lang madugtungan pa ang buhay niya. Pero bumigay din siya bagamat namatay siyang di naghirap. Kahit masakit sa amin, lalo na sa aming ina, ay ipinagkakaloob namin siya kay Lord.
Paalam, itay at babaunin na lang namin ang mga ginintuan mong pangaral. Salamat din sa pagiging huwarang ama mo at mananatili kang buhay sa aming alaala kahit nariyan ka na sa kabilang buhay.
Pasasalamat: Kay Dra. Mejia at Dr. Rodrigo Guanlao ng Philippine Heart Center.