Pauleen, 12 ang movies sa Regal!

Napaka-swerte naman nitong si Pauleen Luna. Nang mawala siya sa ABS CBN ay parang gumanda ang takbo ng career niya. Sa ilalim ng pamamahala ng kasamang Lolit Solis, bukod sa araw-araw na siyang napapanood sa GMA7 (Lunes hanggang Sabado, Eat Bulaga), kasama pa rin siya sa SOP Gigsters, Now & Forever at magkakaro’n siya ng regular show sa Channel 11, ang My Guardian Abbey kasama si Nadine Samonte.

Kamakailan ay pumirma siya ng kontrata para sa 12 pelikula sa Regal Films. Pinaka-unang gagawin niya rito ay ang Blue Moon, para sa MMFFP ’05 kasama sina Christopher de Leon, Eddie Garcia, Dennis Trillo, Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Walang regrets na iniwan ni Pauleen ang bakuran ng Dos na kung saan ay marami pa rin siyang kaibigan. Inuulan nga naman siya ng swerte ngayon.

"Mabait si Nanay (Lolit) sa akin. Pero, nung una ay takot na takot ako sa kanya. Wala naman pala akong dapat na ikatakot, para akong anak kung ituring niya.

"Three years din akong naghintay. Sa kadadasal, dumating din ang swerte sa akin. One month pa lang ako sa GMA pero, ang dami dami ko nang projects," ani Pauleen na nagsabing wala silang away ni Jennylyn (Mercado). "Friends kami at beso-beso rin kami ni Mark," paliwanag niya.
* * *
Mga estudyante ang karamihang myembro ng Hot Tsikz na pumasa sa dalawang buwang audition na isinagawa ng entertainment writer na si Roldan Castro at ni Boy Christopher.

Mayro’n na silang nagawang isang self-titled album under Sunrays Music and distributed by Viva Records. Naglalaman ito ng nine original songs kasama na ang controversial na "Hello Garci, I Am Sorry". Carrier single nito ay "Twet, Twet" at kasama rin ang "Bigote", "Kalabit", "Uwian Na", "Yummy Yummy", "Buburuhin Ko Na Lang", "Akin Lang Yan Ha" at "Kahit Corny Ang I Love You".

Colors ang pangalan ng mga myembro ng grupo dahil makulay daw ang buhay nila:

Si Sofia Red ay Jennifer Rachell Madrinal, 20 yrs. old at lumaki sa California. Isa siyang modelo, businesswoman, beauty queen at estudyante.

Kathleen Martinez naman ang totoong pangalan ni Kimberly Pink, 20, unang nag-aral sa Canada at Dental student sa UE.

Ecru de Asis naman si Cindy Conwi, 19, print at commercial model at produkto ng Phil State College of Aeronautics.

Si Blue Baldemor ay Andrea Pedrido sa tunay na buhay, 19, produkto ng Univ. of Makati sa kursong Political Science. Dating myembro ng Solid Gold Dancers.

Jennifer Da Silva ang real name ni Samantha Silver, 18, produkto ng St. Mark’s High School sa Las Piñas. Bb. Perlas ng Las Piñas sa kasalukuyan.

Anak ng dating movie producer si Roxanne E. Garcia, ngayon ay Brenda Brown, 18 at produkto ng La Consolacion Caloocan.

Ginalyn S. Primero naman si Green Arenas, 20, isang dating model at nagmemeari ng isang grocery store sa Quezon Province.

Quinzy Isagon naman ang real name ni Orange Crisostomo, 20, produkto ng CEU at dati ring myembro ng Solid Gold Dancers.

Marie Anthonette Portez naman si Violet Ponti, 20, nursing stude ng St. Jude College. Commercial model siya at nakalabas na sa isang Australian TV show. May cameo role sa Sagad Sa Init. Cristina Pahati naman si Yellow Milano, 20, tourism stude sa La Consolacion College. May cameo role siya sa Enteng Kabisote (Okay Ka Fairy Ko).

Mapapanood ang Hot Tsikz sa Formula Bar sa Set. 29, sa show na pinamagatang Xtreme 5 kasama sina Martha Daniels, Yvette Yzon, Jcee Martin, Harold Snakeman Montano at mga fresh male models tulad nina Craven Lacson, Lester Cruz, Allex Illana, Jansen Antonio, Sammy Domingo, Mark Ali Abl-Kail at special participation si Gloria Garci. Featured ang 2005 Collection ni Armando Fabia sa direksyon ni Mac de Leon.

Ang Hot Tsikz din ang Sexy Bulls ngayon ng Red Bull. May bikini showdown sila ng Harbour Beauties at Wow Girls na pinamagatang Wild Explosion sa Nov. 7 sa Metro Concert Bar.

Show comments