^

PSN Showbiz

Tatanggalan ng isang tax pero, dadagdagan ng isa pa. Sinong niloko nila?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Mukhang hindi nasiyahan ang industriya ng pelikula at entertainment sa ating bansa doon sa sinasabing aalisin ang amusement tax ng pelikulang Pilipino at mga local concert artists. Ang nakita kasi nila ay ang katotohanang para ngang binawasan ang tax nila, pero sinampal din naman sila ng panibagong tax, yan ngang EVAT. Kung kukuwentahin din naman ang itataas ng cost of production nila dahil tataas ang tax ng raw materials, tataas ang halaga ng kuryente, at iba pangserbisyo na kailangan nila, bale wala ang inalis na amusement tax.

Para nga raw binawasan ang babayaran nila, pero nadukutan pa rin sila. Pinalitan lang ng panibagong tax iyong inalis sa kanila.

Ang isa pang tanong, kailan nga kaya maipapatupad iyan? Mabuti kung mabilis ang maging aksiyon ng kongreso sa mga bagay na yan at mapakinabangan nila agad, dahil kung hindi isang malaking disaster pa rin ang pagpapatupad ng EVAT. Maraming producers na ang nagsabing titigil na sila oras na ipatupad ang EVAT dahil wala na silang nakikitang chance na kumita pa oras na itaas ang tax.

Kaya nga ngayon, maliban doon sa mga entries sa Metro Manila Film Festival, wala na tayong naririnig na gumagawa pa ng pelikula. Gumagawa lang sila ng pelikula para sa festival dahil yang amusement tax nga ay ibinabalik ang isang bahagi sa industriya sa pamamagitan ng Mowelfund, kung hindi wala na silang interest dahil wala na ngang pagkakataong kumita ang mga producers ng pelikula.
* * *
Mabait naman yang si Snooky Serna. Kaibigan naman namin yan kahit na noong araw pa, pero sa nakikita namin may mga maling diskarteng nangyayari sa kanya ngayon. Una na nga iyong sinasabing pagpapalit niya ng pangalan. Mas gusto raw niyang makilala siya ngayon bilang Kate Serna. Palagay namin, masyadong late na para magpalit siya ng pangalan.
* * *
Gusto lang naming ipaalala ulit, ang kapistahan ni Santo Padre Pio bukas Linggo, Setyembre 25 sa kanyang parokya sa Sto.Tomas, Batangas. Ang prusisyon ay alas 4 NH. Ang misa naman ay alas-5 ng hapon at pangungunahan ni Bishop Ruben Profugo, DD. Inaanyayahan ng kanilang parish priest na si Fr. Dale Anthony Barretto Ko ang lahat na dumalo sa kanilang pagdiriwang ng pista ni Padre Pio.

BATANGAS

BISHOP RUBEN PROFUGO

DALE ANTHONY BARRETTO KO

KATE SERNA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PADRE PIO

SANTO PADRE PIO

SNOOKY SERNA

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with