Bumoto at manalo sa 2nd SOP Music Awards

Sa pamamagitan ng text votes ay pwede n’yong maipanalo ang alin man sa 23 OPM artist para sa walong kategorya ng SOP Music Awards na magaganap sa Oktubre 2 gaya ng Breakthrough Recording Artist (Hale- "The Day You Said Goodbye", Cueshe - "Stay", Yasmien Kurdi- "I Know" Jonalyn Viray - "Close to Where You Are"), Maximum Dance Blast (Retrospect -"Shake Your Booty", Jacque Estevez- "Joyride", Sexbomb- "Sumayaw, Sumunod", Aryana - "Bop Bop"), New Age Novelty ("Pasaway"-J Brothers, "Amoy Ng Papa"- Sexbomb, "Sundo’t Hatid" -K & The Boxers, "Nakaka"-Masculados), Stand Out Rap ("I Must Be Free"-Salbakuta, "Best Friends"- Dice & K9, "Doon Lang"- 3yodorobo, "Kahit Bata Pa Ako"-Aikee), Strictly Alternative ("Hanggang Kailan"-Orange & Lemons, "Hari ng Sablay"-Sugarfree, "Sige"-Six Cycle Mind, "Hallelujah"-Bamboo), Revive ’05 ( "Maling Akala"- Brownman Revival, "Tell Me Where It Hurts"- MYMP, "Panalangin"- Nyoy Volante, "All I Need"-Side A) Viewers Choice for Song of the Year ("The Day You Said Goodbye", "Stay", "I Know", Hallelujah") at Viewers Choice for Artist of the Year (Sugarfree, Hale, MYMP at Bamboo).

Dami ng text votes ang magde-determine ng winners. I-text lang ang SOP space ON at ipadala sa 2364 para sa Globe at Sun Cellular subscribers at 4627 para sa Smart at Talk N Text subscribers. Nagsimula na ang botohan nung Set. 12 at tatagal hanggang Okt. 1. Walong texters ang maaaring manalo ng P20,000.

May bagong scheme sa pagboto. Simula nung Set. 11-17, maari lamang bumoto sa Song of the Year, Artist of the Year, New Age Novelty at Stand Out Rap.Set. 18-24 naman, pwedeng bumoto sa mga natitirang kategorya. Para sa lahat ang nominasyon, bumoto sa Set. 25-Okt. 1.

Mapapanood ang SOP, Linggo, pagkatapos ng Sweet 18 sa GMA.
* * *
Isa na naman ang naging milyonaryo courtesy of Harrison Plaza. Isa sa dalawang nanalo ng 45.7M jackpot sa katatapos na 6/45 draw ay nagpasok ng nanalong 6-number combination (2-13-14-17-40-41) sa isa sa mga Belco Marketing, Inc.’s Lotto outlets na matatagpuan sa HP at binigyan ng kanyang premyong 22.8M.
* * *
Bukas na naman ang Star City, ang pangunahing theme park ng bansa. Labinlimang taon na itong in operation.

Si Santi Elizalde, VP for Operations at COOP ng Star Parks Corp. ang siyang nangangasiwa ngayon sa Star City. Siya rin ang unang naging operations manager sa unang pagbubukas ng Star City nung 1991. Noong nakaraang taon kung kailan niya hinawakan ang Star City, nakapag-rehistro ang park ng pinaka-maraming tao sa buong season.

Kong ang titulo ngayon ng Ice Palace, nag-iisang ice attraction sa Pilipinas. Nilikha ng isang Pilipino, si Dean Manalo, ang malalaking ice monsters mula sa yelo na ang pinaka-sentro ay si King Kong.

Pangunahing concern ng Star City ang kaligtasan ng mga pumupunta run kaya kinuha nila ang serbisyo ni Phil Lindquist, isa sa pinaka-mahusay na safery engineer ng pinakamalalaking parks sa buong mundo.

Isa pa rin sa attraction ng Star City ang Star Theater. Sayaw Pinoy ang opening show dito na kung saan ay pinagsama ang magkakaibang kultura ng kagandahan ng ballet at folklore. Bukod dito ay naglagay pa rin sila ng circus performers para sa dagdag na kasiyahan ng manonood.

Ang Sayaw Pinoy ay pinaka-huli sa serye ng Circus de Ballet na ideya ng chairman of the board ng lugar na si Mr. Fred Elizalde. Unang produksyon dito ay ang Belen na dahil sa kahilingan ng marami ay muling ibabalik sa Christmas season.
* * *
May CD Lite si Mark Bautista na nag-launch nung isang maulang araw sa SM North Edsa. Ito ang "Dream On" na dinumog pa rin ng napakaraming tao kahit na bumabaha na sa Kamaynilaan, isang patunay ng patuloy na pagtangkilik ng marami sa singer na hindi lamang isang mahusay na manganganta kundi kinakikitaan pa rin ng kabaitan sa kanyang pakikitungo sa lahat.

Ang revival song ni LeAnn Rimes na "I Need You" ang unang single mula sa album. Ito at ang "Dream On" ng Side A ay inareglo ng dating Neocolors drummer na si Niño Regalado. Ang iba pang cuts sa album ay ang "You Win The Game", "If By Now", "When Will I See You Again" (duet nila ni Raymond Manalo at back up sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go) ay ini-record sa isang kilalang recording studio sa LA.

Show comments