Talent manager, ipinamimigay na ang kanyang alaga!

Nakabalik na rin ng Hawaii si Jasmine Trias matapos niyang i-promote sa Pilipinas ang kanyang unang album na ang carrier single ay pinamagatang "Lose Control" na kinompos, inareglo at prinodyus ni Noel Macanaya na mas kilala bilang si DJ MOD.  Ang pangalawang single ng album ay isang Tagalog ditty na pinamagatang "Sana Lagi" na hango sa isang Korean melody at nilapatan ng Tagalog lyrics nina John Barnard at Ito Rapadas.   

Kapag natuloy ang negosasyon, malamang na muling bumalik ng Pilipinas si Jasmine hindi lamang para mag-concert dito kundi para gumawa ng pelikula. 
* * *
Tiyak na matutuwa ang mga Filipino sa Japan dahil malapit na nilang mapanood doon sa pamamagitan ng Access TV ang mga pelikulang produced ng Viva Films.  Ang mga pelikula ng Viva Films ay nakapaloob sa PBO (Pinoy Box Office) na mapapasama sa programming ng Mabuhay Channel na tangan naman sa Japan ng Access TV kasama ang GMA Pinoy TV at Fox Channel.   

Kung hindi magkakaroon ng bulilyaso, simula sa buwan ng Nobyembre ay regular nang mapapanood ng ating mga kababayan sa Japan ang PBO na matagal na rin nilang inaabangan.
* * *
Ang StarStruck 2 survivor na si LJ Reyes ang pinakabagong celebrity endorser ng BUM Equipment kung saan ang mga early endorsers ay kinabibilangan nina Raven Villanueva, Heart Evangelista, Jill Yulo, Carla Humphries, Valerie Martinez, Genstar at ang R&B princess na si Kyla.   

Sa dinami-dami ng mga fresh talents, flattered si LJ na siya ang napisil ng Bum Equipment bilang bagong karagdagan sa mga image models ng nasabing brand.  Natutuwa rin siya dahil gustung-gusto niya ang designs at style ng Bum Equipment na bagay umano sa kanyang personality.  Mahilig kasi si LJ sa casual wear na t-shirts at denims na siyang produkto ng Bum Equipment.
* * *
Marami ang nalungkot sa balitang magre-retiro na umano ang mahusay at energetic talent manager na si Wyngard Tracy dahil gusto naman nitong ma-enjoy ng husto ang kanyang buhay habang malakas pa siya.   

"Napakabata pa ni Wyngard para mag-retiro," ang sambit ng mga taong nakakakilala sa kanya.   

Ang higit na apektado sa maagang pagre-retiro ni Wyngard ay ang napakarami niyang talents na kinabibilangan nina Maricel Soriano, Aiko Melendez, Basil Valdez, Jaya, Side A, Freestyle, TJ Manotoc at maraming iba pa. Ayon sa aming nasagap na impormasyon, isa-isa nang ipinamamahagi ni Wyngard ang kanyang mga mina-manage na talents sa iba ring talent managers na mga kaibigan din niya. Kung bibitawan ni Wyngard ang pagma-manage ng talents, ipagpapatuloy naman niya ang pagiging consultant sa iba’t ibang kumpanya.  Gusto rin niyang subukan ang mamuhay sa Spain at gawin ang iba niyang gustong gawin nang walang work pressure na iniisip.
* * *
a_amoyo@pimsi.net

Show comments