^

PSN Showbiz

Jasmine, gustong ipareha kay Jericho!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tatlo ang movie offer na natanggap ng American Idol finalist na si Jasmine Trias sapul nang dumating ito sa bansa. Isa na rito ay ang pagtatambal nila ni Jericho Rosales.

Dahil sa kasikatan ni Jasmine ay nakalinya rin ang isang international movie na gagawin niya next year sa Hollywood kasama si Hilary Duff.

Habang narito sa ‘Pinas ay magiging abala ito sa promosyon ng kanyang debut international album na released ng Universal Records kung saan ang carrier single ay "Excuses" na humahataw din sa recording chart sa Hawaii at Chicago.
Jay, Pangarap Ding Mag-Singer
Naiintriga si Jay Manalo sa kanyang pagsama sa Barako Boys. Bakit daw ito pumayag na kumanta at maging cheap ang dating gayung de-kalidad itong aktor?

Si Jay mismo ang nagsabi na matagal na pala niyang pangarap na maging singer bukod pa sa pag-aartista. Gusto rin niyang malinya sa ibang career gaya ng pagiging recording artist.

Sa kabilang banda, excited na rin si Jay dahil kabilang siya sa All About Men 2: Penis Talk Reloaded kung saan makakasama niya sina Polo Ravales, Rich Vergara, RJ Rosales, Roselle Nava, Joy Viado at Ricci Chan na sisimulang ipalabas sa October 7 sa Music Museum sa direksyon nina Joel Lamangan at Mel Chionglo.
"Barangay Tagay" Ang Tawag Sa Mga Opisyales
Noong may mataas pang katungkulan sa kanilang lalawigan ang isang sikat na aktor ay ipinatatawag nito ang ilang barangay sa pamumuno ng kanilang kapitan para mag-meeting sa kanilang bahay.

Pagkatapos ng miting ay nag-iinuman ang mga ito dahil mabait ang actor-politician. Pero hindi naman maipinta ang mukha ng misis na aktres dahil sa pag-iinuman ng mga kalalakihan. Kaya nga kapag namamasko ang mga ito sa aktor ay may tawag na ang aktres sa kanila. Sasabihin nito sa kasambahay na "nariyan na naman ang Barangay Tagay."

ALL ABOUT MEN

AMERICAN IDOL

ANG TAWAG SA MGA OPISYALES

BARAKO BOYS

BARANGAY TAGAY

HILARY DUFF

JASMINE TRIAS

JAY MANALO

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with