Umiwas ang aktor na mainterbyu siya. Pinakiusapan din ng staff ang mga reporter na huwag na lang interbyuhin dahil baka mainis at biglang mag-walk out kung saan mabibitin ang taping. Pag tinoyo pala ang aktor ay bigla itong lumalayas sa taping.
Ito ang dahilan kung bakit sumali siya sa Hollywood Dream ng ABC 5. Hindi naman nababakante sa telebisyon ang magaling na aktor dahil kasama pa siya sa Sugo ng Siete.
Kumusta naman sila ng kanyang dating asawang si Lara Fabregas?
"Hindi naman nawawala ang communication namin. Nang huli nga kaming mag-usap ay nasabi niya ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Wala akong girlfriend ngayon at hanggang pa-date-date lang muna. Kapag hindi ako busy sa showbiz commitment ay tumutugtog kami ang aking bandang Bandidos," sabi ng aktor. Lead singer ang actor sa banda.
Hindi pa siya gaanong matatas sa pagsasalita ng Tagalog pero ayon kay Ethel tuturuan niya ito ng wastong pagsasalita at pagbigkas ng Tagalog.
"Nagseselos ka pa ba gayung dalawa na ang anak nyo?" tanong namin.
"Syempre hindi maaalis yun dahil mahal na mahal ko siya," aniya.
Pero ngayon ay pinapanood na niya si Ariel sa Sugo dahil wala itong kapareha sa teleserye.