Tulad ng ibang pamosong dance groups ang Universal Two By Four Dancers ay palaging ganito ang kalakaran sa bawat show.
Naalala tuloy ng moving spirit at choreographer ng grupo kung paano natatag ang Universal Two By Four Dancers. Noong Oktubre 15, 1999 isinilang ang grupo.
Kaya pala nilagyan ng 2 x 4 ang pangalan nila, ibig sabihin ng numero dos ay together at ang kuatro naman forever. Ito kasi ang gustong mangyari ni Joel sa mga kabataang bumubuo ng dance group, magkaroon ng mabuting pagsasamahan na pang matagalan.
Sa pangalang Two By Four, marami na silang nakamit na parangal. Ang Ideal Parents and Family Foundation hinirang silang Top Family Entertainer-Most Promising Dance Group noong 2003. Nakamit nila ang parehong award sa National Affairs Committee noong 2004. Naging Outstanding All-Male Group din sila sa Consumers Choice Awards.
Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon na ng mga pagbabago sa grupo. Ang ibang miyembro ay nagpatuloy ng kanilang mga pag-aaral at iba pang prayoridad sa buhay. Kayat hindi maiwasan ni Joel ang kumuha ng mga bagong kabataan upang manatiling buo ang kanyang grupo. Natyempo pa sa pagbabagong anyo nila ang offer ng Universal Records executive vice-president na si Ramon Chuaying na sila ang maging mainstay dancers ng kumpanya. Kaya simula noon nakilala na sila bilang Universal Two By Four Dancers.
Ang very youthful group ay binubuo nina choreographer Joshua de Loen, Hanzel Quilona, Paolo Bachica, Wnrich Sumo, Russel Calma, Jimboy Uno, RP delos Reyes at James Valdez.
Kamakailan lamang tinanggap nila ang Outstanding All-male Dance Group mula sa Asia Pacic Excellence Awards.
Naging abala ang grupo sa pagsuporta sa mga shows nina Roxy, JayR, Jed Madela, Jeffrey Hidalgo, Karylle, Soul Control at Gary Valenciano.
Kahapon sila ang opening act ni Jasmine Trias sa kanyang mall show sa SM Bacoor. Ngayong Linggo, mapapanood sila bilang curtain raisers sa Jasmine Trias showcase sa SM North Edsa. Alas-5 ng hapon ang simula ng palabas.
Higit na nakilala ang grupo sa palagian nilang magsayaw sa Eat Bulaga, bilang bahagi ng "Bop Bop Dance Contest". Ngayon masasabing may mga pinakasikat na rin silang mga dance hits tulad ng "Chocolate", "Bop It" at "Boogaloo".
Sa free show ni Jasmine Trias sa SM North Edsa ngayong alas-5 ng hapon, sasayawin ng Universal Two By Four Dancers ang "Mr. Nana" ni DJ Bobo at "Boogaloo" ng Soul Control.
maging mainstay dancers ng kumpanya. Kaya simula noon nakilala na sila bilang Universal Two By Four Dancers.