Bagaman at idinadaan lamang ni Vhong sa pagpapalipad-hangin ang kanyang damdamin kay Toni, sa takot marahil na mabasted at magiging malaking kabawasan sa kanyang kasalukuyang posisyon sa entertainment industry, nagagawa naman niyang maitawid kay Toni ang kanyang nadarama sa pamamagitan ng maraming panulat tungkol sa kanya ng mga dumalo sa nasabing presscon/launch.
Sa dami ng niligawan niyat napasagot, ang binigyan lamang niya ng pagpapahalaga sa kanyang album ay si Toni, dinidekaytan niya ito ng isang awitin, ang "Kasama Kong Tumanda". Ewan nga lamang kung makukuha niya ang dalaga sa ganitong klase ng ligawan. Abangan na lamang natin ang mga susunod pang kabanata sa kanilang dalawa,
Samantala, bukod sa "Don Romantiko" album, kinuha rin si Vhong ng WRR 101.9 para siyang umawit ng kanilang pinaka-bagong jingle.
May kontribusyon si Lito Camo sa album, ang "Maganang Umaga", jingle ng Best Foods sa kasalukuyan.
May ilang mga excerpts sa unang Folies de Mwah na hindi tinanggal, gaya ng "How Much Is That Doggie in the Window?" na talaga namang patok sa mga manonood dahil talagang nakakatawa ito.
Ang alas ng Folies de Mwah 2 ay ang partisipasyon ng artistic at creative director ng award-winning theater bar, si Cris Nicolas, isa pa rin sa dalawang may-ari ng Club, ang isa pa ay si Pocholo Mallilin, na talaga namang papalakpakan mo sa kanyang galing mag-impersonate kay Shirley Bassey. Kasama rin siya sa ilan pang magagandang number na higit na masaya ngayon at mas contemporary.
Mapapanood pa rin sa Club Mwah ang Bedazzled na dinadayo na ng manonood at ang patuloy pa ring pagtatanghal ng Las Vegas act nina Simon and Silver, mga mahikero na talaga namang di mo pa napapanood ang mga acts. Pwedeng ipapanood ito sa mga bata at maaga ang pagpapalabas na may kasamang dinner, mga 7NG kumpara sa Bedazzled at Folies na parehong naka-sked ng 10NG.
Isa itong culinary competition na may tatlong kategorya, ang Amateurs 1, 2 at Student Categories,
Sa araw na ito, maglalaban-laban ang mga team sa ibat ibang unibersidad at kolehiyo para sa Student Category. Maglalaban din sila sa Market Basket Category na kung saan ay gagawa sila ng meal na ang gamit ay magmumula sa isang basket na ibibigay sa kanila sa araw na ito lamang.
Ilan sa mga iskwela na maglalaban ay ang Univ. of Regina Carmelli, La Consolacion College, Punlaan School, OB Montessori Greenhills, Arellano U, St. Louis College, PWU, Colegio de San Agustin Biñan,College of St. Benilde, UST, San Sebastian College, Phil. Christian U, St. Scholasticas College, College of the Holy Spirit, CEU, Center for Culinary Arts, Cavite State U, Lyceum, Our Lady of Fatima U, Lyceum of Batangas, PWU at marami pa.