Pero yang si Sharon, alam namin kung gaano kalakas ang determinasyon, kung gustong pumayat. Minsan, talagang hindi na halos kumakain yan, pero mabilis lang naman siyang magbawas ng timbang.
Alam din naman ni Sharon na kailangan nga niyang magbawas ng timbang kaya nga siguro kahit na may mga offers sa kanya, hindi pa siya gumagawa ng pelikula. Hindi pa rin naman siya gumagawa ng tv show dahil hindi pa siya handa.
Pero palagay namin kung talagang desidido na si Sharon na haraping muli ang mga projects niya sa pelikula at sa telebisyon, kaya naman niyang magpapayat eh.
Ang kailangan lang naman sa pagbabawas ng timbang ay disiplina.
Kami man ay naniniwala na dapat nga sigurong magbawas ng timbang si Sharon, matapos naming mapanood ang commercial na iyon. Noong araw, sinasabi namin na ok lang kahit na mataba siya, kasi cute siyang tingnan. Para ngang mas bagay pa sa kanya, pero lately iba nga ang timbang ni Sharon.
Kailangan na niyang magsimulang mag-diet hindi lamang para makaharap na siyang muli sa camera kung di dahil mas mabuti iyon para sa kanyang kalusugan.
Kahit na ano pang baba ang gawin natin sa cost ng pelikula kagaya noong sinusubukan nilang mga digital movies, at kung sakali ay maibababa rin nila ang admission prices ng mga sinehan, wala pa rin iyan. Hindi uunahin ng kahit na sino ang panonood ng sine kung kumakalam naman ang kanyang sikmura.
Ang solusyon sa problema, dapat gumanda muna ang buhay at iyang pelikula ay makakabangon lamang kung may pera nang extra ang mga Pilipino.
Ang mangunguna sa healing mass ay ang kanilang kuraparoko na si Fr.Dale Anthony Barretto-Ko.