Jaycee Parker may warrant of arrest na?
September 17, 2005 | 12:00am
Certified Viva artist na si Desiree del Valle. Ito ay matapos siyang pumirma ng three year management contract last Monday sa nasabing kumpanya.
Matagal na kasi palang walang contract si Desiree sa ABS-CBN kaya nang dumating ang chance sa Viva, hindi na niya pinakawalan.
Isa sa mga unang project na gagawin ni Desiree ang Tuli starring Carlo Aquino na hawak na rin ng Viva. Ang Tuli ang nanalo sa isinagawang Viva Scriptwriting last year. Si Aureous Solito ang magdi-direk ng nasabing digital film.
Si Solito ang nag-direk ng award winning digi film na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Masaya naman si Vincent del Rosario sa pagpasok ni Desiree sa kanilang kumpanya.
Seven years na si Desiree sa showbiz.
Nakagawa na siya ng three movie - Mahal Na Kung Mahal, Trip and Bcuz of U.
Pero pagdating sa TV, marami-rami na rin ang nagawa niya.
Magpapa-sexy na rin ba si Desiree ngayong nasa Viva na siya? "No naman," maigsing sagot ni Desiree.
Suwerte rin si Jaycee Parker. Imagine graded A agad ng Cinema Evaluation Board ang first solo (digital) movie niya, Ilusyon under Viva Films.
Nagkaroon na ako ng chance na mapanood ang movie at isa lang ang masasabi ko - impressive ang acting at physical appearance niya sa pelikula. At siyempre, si Yul Servo na super galing din sa pelikulang ito. Simple lang siya pag nakita mo in person, pero ang lakas ng screen presence niya.
Nag-complement ang character nina Yul and Jaycee sa Ilusyon.
Si Jaycee na isang nude painting model na nagkaroon nang di maipaliwanag na sakit at si Yul na nag-ilusyong magaling na painter at na-obsessed sa kanyang modelo (Jaycee).
Galing ng idea. Kakaiba ang kuwento na ginamitan ng magagandang background music.
Na-justify ng production designer ang 1960s na setting.
At kung meron mang breast exposure si Jaycee, hindi malaswa.
Hindi mo rin mapapansin na digital movie ang pinapanood mo.
Anyway, ito siguro ang reward ng mga problemang dumating sa pamilya ni Jaycee. Ang nanay niya, nakakulong pa rin sa Laguna matapos itong kasuhan ng drug pushing na ini-insist ni Jaycee na set up ang lahat ng nangyari. Hours before the raid daw kasi sa house nila sa Laguna, nakita pa niya ang sinasabing vase kung saan nakalagay ang sinasabi ng mga pulis na shabu na nakalagay sa ibabaw ng isang organ.
At nang magsalita siya sa The Buzz, kung saan sinabi niyang basted sa nanay niya ang police officer at hindi sila nagbigay ng lagay kaya hinuli ang nanay niya, kinasuhan siya ng libel ng police officer. Takot nga siya dahil baka by this time, wanted na siya (warrant of arrest) dahil two weeks siyang nag-stay sa Japan kaya hindi niya alam kung anong nangyari sa libel case na isinampa sa kanya.
Pero na-dismissed naman daw ang nasabing police officer.
At any rate, showing sa September 21 sa Robinsons Cinema ang pelikula.
Ang Ilusyon ay mula sa direksyon ng mga premyadong independent filmmakers na si Paolo Villaluna at Ellen Ramos at ni-line produce ni Jon Red hango sa kanyang istorya. Sa pinakitang gilas ni Jaycee sa pelikulang ito, masasabing hindi na malayo ang higit na malamang roles para sa kanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended