Script ng Dubai, ipinabago ni Aga
September 16, 2005 | 12:00am
Kung ang mga Pinoy recording artists ay pangarap na makapasok sa U.S. market, kabaliktaran naman sa kaso ni Hector Encarnacion, isang American citizen Pinoy na gustong makilala sa ating bansa.
Labinlimang taong gulang pa lamang si Hec nang mag-migrate sa California ang kanyang pamilya at doon na siya namalagi hanggang nung 1999 ay nag-desisyon siyang bumalik ng Pilipinas para dito isakatuparan ang matagal niyang pangarap, ang makapag-release ng sarili niyang album na pinamagatang "HEC `Musta Na Ba?" na naglalaman ng mga original pop-rock o folk-rock compositions niya. Actually, ang nasabing album ay nirekord ni Hec sa America sa tulong ng kanyang American mainstream artist/producer na kaibigan na si Gooding na siyang nag-co-produce ng kanyang album pero itoy ni-rearrange sa Pilipinas.
Kung tutuusin, nung 1986 ay gustung-gusto nang bumalik ng Pilipinas ni Hec pero pinigilan siya ng kanyang tiyuhin.
Ganunpaman, kahit maganda ang trabaho ni Hec sa America bilang graphic artist, ang kanyang pusot isipan ay nasa kanyang musika na gusto niyang ibahagi sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas.
Taong 1997 nang maimbitahan si Hec ng rapper na Beware of Death Threat sa Pilipinas na maging gitarista para sa dalawang cuts ng kanyang solo CD album at ito ang naging daan ni Hec na mabisita niya ang mga dating lugar na kanyang pinupuntahan bilang isang teenager bago siya nag-migrate sa Amerika. Sa Quiapo Church kung saan niya naging inspirasyon ang isang batang nagtitinda ng sampaguita leis at dito niya nabuo ang kantang "Para sa Inyo".
Aminado si Hec na hindi ganoon kadaling pasukin ang local music scene lalupat wala pa siyang nahahanap na manager o booking agent. Pero sa kabila nito, ang kanyang debut album ay nakalabas na sa market sa tulong ng Galaxy Records na siyang nagdi-distribute nito. "How much more kung itoy napu-promote ng husto," aniya.
Ganunpaman, naniniwala si Hec na mabibigyan din siya at ang kanyang Abacus Band ng pagkakataon na makilala ng husto sa tamang panahon.
"Ang kailangan lang talaga namin ay magandang break," pahayag pa ni Hec na madalas magbakasyon sa hometown ng kanyang ama sa Puerto Princesa, Palawan.
Si Hec ay tatlong taong namirmihan sa Chicago, apat na taon sa Kansas at 11 taon naman sa Pacifica, California.
Nakapagtanghal din siya sa Bb. Pilipinas-USA Beauty Pageant sa Sacramento, California at sa Philippine National Day Fiesta nung taong 2000.
Ang ama ni Hec ay first cousin ng yumaong aktor na si Eddie Fernandez kaya second cousin niya si Pops Fernandez.
Ang "HEC `Musta Na Ba?" ay naglalaman ng "`Musta Na Ba?," "Para Sa Inyo," "Pagmamahal Ko," "Dr. Lab," "Gumising Ka," "Simulan sa Ngiti," "Pakinggan Nyo" at ang carrier single na "Hanggang sa Panaginip".
Si Hec at ang Abacus Band ay isa sa maraming performers na magtatanghal sa The Garden ng SM North EDSA sa Oktubre 22, ika-apat ng hapon para sa ika-apat na anibersaryo ng S Magazine ng GPEC.
Muling paalis sa araw na ito ng Biyernes patungong Dubai ang cast ng pelikulang Dubai na pinangungunahan nina Aga Muhlach, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz para mag-shoot ng isang karagdagan ngunit mahalagang eksena. Ipinagmamalaki ni Aga ang Dubai na dinirek ni Rory Quintos dahil kakaiba umano ito sa mga pelikulang nagawa na niya in the past.
Ayon kay Aga, hindi umano niya nagustuhan ang script ng Dubai nang una itong i-present sa kanya. Nagkaroon ng maraming revisions na umabot sa 12 bago nila finally nasimulan ang pelikula na umabot ng limang buwan dahil binusisi umano ito ni Direk Rory. Dalawang buwan din ang ginugol para ma-revise ang script ng pelikula.
Nahinto pa nga sila ng dalawang buwan sa shooting para lamang lalong mapaganda.
Pinabulaanan ni Aga na meron siyang creative control sa istorya ng pelikula. Ang sa kanya lamang ay suggestion para lalong mapaganda ang istorya.
Since one movie a year lamang kung gumawa ngayon si Aga ng pelikula, he makes it a point na maganda talaga ang proyekto na kanyang ginagawa at itong Dubai ay isang pelikulang maipagmamalaki niya.
[email protected]
Labinlimang taong gulang pa lamang si Hec nang mag-migrate sa California ang kanyang pamilya at doon na siya namalagi hanggang nung 1999 ay nag-desisyon siyang bumalik ng Pilipinas para dito isakatuparan ang matagal niyang pangarap, ang makapag-release ng sarili niyang album na pinamagatang "HEC `Musta Na Ba?" na naglalaman ng mga original pop-rock o folk-rock compositions niya. Actually, ang nasabing album ay nirekord ni Hec sa America sa tulong ng kanyang American mainstream artist/producer na kaibigan na si Gooding na siyang nag-co-produce ng kanyang album pero itoy ni-rearrange sa Pilipinas.
Kung tutuusin, nung 1986 ay gustung-gusto nang bumalik ng Pilipinas ni Hec pero pinigilan siya ng kanyang tiyuhin.
Ganunpaman, kahit maganda ang trabaho ni Hec sa America bilang graphic artist, ang kanyang pusot isipan ay nasa kanyang musika na gusto niyang ibahagi sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas.
Taong 1997 nang maimbitahan si Hec ng rapper na Beware of Death Threat sa Pilipinas na maging gitarista para sa dalawang cuts ng kanyang solo CD album at ito ang naging daan ni Hec na mabisita niya ang mga dating lugar na kanyang pinupuntahan bilang isang teenager bago siya nag-migrate sa Amerika. Sa Quiapo Church kung saan niya naging inspirasyon ang isang batang nagtitinda ng sampaguita leis at dito niya nabuo ang kantang "Para sa Inyo".
Aminado si Hec na hindi ganoon kadaling pasukin ang local music scene lalupat wala pa siyang nahahanap na manager o booking agent. Pero sa kabila nito, ang kanyang debut album ay nakalabas na sa market sa tulong ng Galaxy Records na siyang nagdi-distribute nito. "How much more kung itoy napu-promote ng husto," aniya.
Ganunpaman, naniniwala si Hec na mabibigyan din siya at ang kanyang Abacus Band ng pagkakataon na makilala ng husto sa tamang panahon.
"Ang kailangan lang talaga namin ay magandang break," pahayag pa ni Hec na madalas magbakasyon sa hometown ng kanyang ama sa Puerto Princesa, Palawan.
Si Hec ay tatlong taong namirmihan sa Chicago, apat na taon sa Kansas at 11 taon naman sa Pacifica, California.
Nakapagtanghal din siya sa Bb. Pilipinas-USA Beauty Pageant sa Sacramento, California at sa Philippine National Day Fiesta nung taong 2000.
Ang ama ni Hec ay first cousin ng yumaong aktor na si Eddie Fernandez kaya second cousin niya si Pops Fernandez.
Ang "HEC `Musta Na Ba?" ay naglalaman ng "`Musta Na Ba?," "Para Sa Inyo," "Pagmamahal Ko," "Dr. Lab," "Gumising Ka," "Simulan sa Ngiti," "Pakinggan Nyo" at ang carrier single na "Hanggang sa Panaginip".
Si Hec at ang Abacus Band ay isa sa maraming performers na magtatanghal sa The Garden ng SM North EDSA sa Oktubre 22, ika-apat ng hapon para sa ika-apat na anibersaryo ng S Magazine ng GPEC.
Ayon kay Aga, hindi umano niya nagustuhan ang script ng Dubai nang una itong i-present sa kanya. Nagkaroon ng maraming revisions na umabot sa 12 bago nila finally nasimulan ang pelikula na umabot ng limang buwan dahil binusisi umano ito ni Direk Rory. Dalawang buwan din ang ginugol para ma-revise ang script ng pelikula.
Nahinto pa nga sila ng dalawang buwan sa shooting para lamang lalong mapaganda.
Pinabulaanan ni Aga na meron siyang creative control sa istorya ng pelikula. Ang sa kanya lamang ay suggestion para lalong mapaganda ang istorya.
Since one movie a year lamang kung gumawa ngayon si Aga ng pelikula, he makes it a point na maganda talaga ang proyekto na kanyang ginagawa at itong Dubai ay isang pelikulang maipagmamalaki niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended