During the interview ng Cinema One kay Ara sa nasabing event, wala na itong sinabi kundi ang tarayan sa show nina Kris Aquino, Boy Abunda at Cristy Fermin.
Pinalalabas ni Ara na wala na raw ginawang maganda ang The Buzz kundi ang tirahin siya. Pati ang isyu sa kapatid niyang si Cristine Reyes na nauugnay ngayon kay Janno Gibbs.
Kaya sa "Asal (Ang Sa Amin Lang)" segment ng The Buzz noong Linggo, ipinamukha ng The Buzz kay Ara ang mga pinagsasabi nito. Inilabas ng The Buzz ang video kung saan unang nagkita si Ara at ang nawawalang tatay nito noon na si Chuck Mathay. Sa The Buzz kauna-unahang nakilala ni Ara ang kanyang ama.
Kaya payo kay Ara, maghinay-hinay sa pagtataray. Puwede niyang i-excuse ang sarili sa interview ng TV crew na ayaw niya.
Pagpasok ng Studio 10, hiyawan ang mga tao. After three weeks, muling nakita ni Rico ang kanyang pamilya. Halos hindi magkamayaw ang tao kay Rico. Marami ang gustong magpa-autograph at magpa-picture.
Halatang nagulat si Rico sa naging mainit na pagtanggap sa kanya ng tao. Sikat na talaga siya. Natutulala ito kapag pinagkakaguluhan siya.
Ngayong malaya na si Rico at nakuha niya ang kasikatan dahil sa Pinoy Big Brother, tiyak na uulanin ito ng offers. Tiyak din na hindi naman siya pababayaan ng ABS-CBN. Ang balita ko, magiging cast si Rico ng Gulong Ng Palad na pagbibidahan ni Kristine Hermosa.
This year, may malaking birthday celebration na naman siya. Bukas, September 17 yon at gaganapin ito sa clubhouse ng Tivoli Royalle sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Green ang motiff kaya inaasahan niya na lahat ng guests ay nakasuot ng green.
Happy birthday, Direk Wenn!