^

PSN Showbiz

Ara, binweltahan ng The Buzz

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Binuweltahan ng The Buzz si Ara Mina. Hindi nagustuhan ng production staff ng programa ang pamimersonal sa kanila ni Ara. Nakarating sa production staff ang ginagawang pagsi-single out ni Ara sa crew ng The Buzz sa isang event. Hindi raw ito magpapainterbyu kapag may camera ng The Buzz. Although, invited ang crew ng The Buzz para i-cover ang event.

During the interview ng Cinema One kay Ara sa nasabing event, wala na itong sinabi kundi ang tarayan sa show nina Kris Aquino, Boy Abunda at Cristy Fermin.

Pinalalabas ni Ara na wala na raw ginawang maganda ang The Buzz kundi ang tirahin siya. Pati ang isyu sa kapatid niyang si Cristine Reyes na nauugnay ngayon kay Janno Gibbs.

Kaya sa "Asal (Ang Sa Amin Lang)" segment ng The Buzz noong Linggo, ipinamukha ng The Buzz kay Ara ang mga pinagsasabi nito. Inilabas ng The Buzz ang video kung saan unang nagkita si Ara at ang nawawalang tatay nito noon na si Chuck Mathay.  Sa The Buzz kauna-unahang nakilala ni Ara ang kanyang ama.

Kaya payo kay Ara, maghinay-hinay sa pagtataray. Puwede niyang i-excuse ang sarili sa interview ng TV crew na ayaw niya.
* * *
Na-witness ko ang mga eksena sa eviction ni Rico Barrera sa Pinoy Big Brother noong Sabado ng gabi. Mula paglabas ng bahay (sa Eugenio Lopez Drive), hanggang Studio 10 ng ABS-CBN, nakita ko ang bawat galaw ni Rico.

Pagpasok ng Studio 10, hiyawan ang mga tao. After three weeks, muling nakita ni Rico ang kanyang pamilya. Halos hindi magkamayaw ang tao kay Rico. Marami ang gustong magpa-autograph at magpa-picture.

  Halatang nagulat si Rico sa naging mainit na pagtanggap sa kanya ng tao. Sikat na talaga siya. Natutulala ito kapag pinagkakaguluhan siya.

Ngayong malaya na si Rico at nakuha niya ang kasikatan dahil sa Pinoy Big Brother, tiyak na uulanin ito ng offers. Tiyak din na hindi naman siya pababayaan ng ABS-CBN. Ang balita ko, magiging cast si Rico ng Gulong Ng Palad na pagbibidahan ni Kristine Hermosa.
* * *
 Yesterday, September 15, TV and film director Wenn Deramas turned a year older. Hindi siya nahihiyang aminin ang kanyang edad. He turned 39 yesterday. Taun-taon, may celebration si Direk Wenn. Last year, fantaserye party ang nangyari. Sa Dish ‘yon ginanap.

This year, may malaking birthday celebration na naman siya. Bukas, September 17 ‘yon at gaganapin ito sa clubhouse ng Tivoli Royalle sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Green ang motiff kaya inaasahan niya na lahat ng guests ay nakasuot ng green.

Happy birthday, Direk Wenn!

vuukle comment

ANG SA AMIN LANG

ARA

ARA MINA

BOY ABUNDA

BUZZ

CHUCK MATHAY

DIREK WENN

PINOY BIG BROTHER

RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with