May problema kasi si Bobby sa kanyang paghinga at may tatanggalin daw sa kanyang lalamunan para dire-diretso ang daloy ng hangin.
Aminado ang host ng Its Chowtime Na! na malaki ang naging impluwensiya sa kanya ni Bobby mula nung naging sila dahil marami siyang natutunan sa konsehal ng San Juan.
Sa katunayan ay naulat pa ito sa The Buzz na simula raw nung naging boyfriend ni Angelica si Bobby ay naging sossy na ito, medyo na-offend ang dalaga sa isyung ito, marahil ay hindi nga niya napapansing ganun na nga dahil kami rin ay nanibago na sa kanya nung kausap namin dahil panay na rin ang Ingles niya at hindi na hyper kung magsalita tulad ng dati.
At tawa kami nang tawa dahil pati pala pag-aaway nila ni Bobby ay Ingles na rin at talagang nakikipagsabayan na siya.
"In fairness, daig ko pa ang nag-aaral ngayon dahil every single word na mali ko, kino-correct ako ni Bob, pinauulit niya ang pag-pronounce ko ng mga salitang mali. Hindi ako napapahiya, natutuwa ako kasi natututo ako at siya lang ang nakagawa sa akin ng ganun, yung iba, tinatawanan lang ako," kuwento pa ni Ms Flawless.
At pati si Mommy Beth Jones na datiy hindi rin namin gaanong maintindihan ang sinasabi at parating high pitch ang tono ay iba na rin ngayon, say niya, "Lahat ng ito, dahil kay Bobby Yan, paano ka naman magtataas ng boses kung yung kausap mo, e, sobrang baba ng tono, nakakahiya.
"At saka marami pang bagay na itinuro si Bob sa anak ko, kaya botong-boto ako sa kanya kasi nakikita ko, mahal na mahal niya si Angelica at malaki ang tiwala ko sa kanya kaya pinapayagan ko na ring lumabas sila minsan ng wala ako."
Isa pang magandang natutunan ni Angelica kay Bobby, "Naku tinuruan akong humawak ng pera at kung paano gastusin ng maayos. Wise spender si Bob, dati kasi, yung suweldo ko kapag nakuha ko na, gastos agad, ngayon, nakatabi na at hindi ako bumibili ng hindi ko kailangan."
Sa 2007 election ba, si Angelica na ang magi-endorso kay Bobby as Mrs. Bobby Yan? REGGEE BONOAN