Obra maestra ni George Romero
September 15, 2005 | 12:00am
Mula sa maalamat na filmmaker na lumikha ng zombie genre ay narito ang kanyang obra maestra na nagbibigay-daan sa bagong kabanata ng mga di maipaliwanag na katatakutan at walang katapusang bangungot. Pinamagatang Land of the Dead, ito ang pinakahihintay na pagbabalik ng director na si George A. Romero na sinimulan ang lahat mahigit dalawang dekada ang nakakaraan.
Sa pagkakataong ito, ang zombies ay hindi lang mabilis na dumarami kundi marunong nang makipag-communicate at natatandaan pa kung paano maging buhay.
Mula sa Universal Pictures, pinangungunahan nina Simon Baker, Dennis Hopper, Asia Argento at John Leguizamo. Ginamitan ng state-of-the-art special effects at ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. ZAR BAISAS

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended