Nagulat pa si Jaycee sa pagkakataong dumating sa kanya. At kahit alam niyang second choice lamang siya, ibinigay niya ang lahat niyang makakaya sa pelikula. Pumayag siyang mag-hubot hubad na alam niyang hindi matatanggal o mapuputol dahil naayon sa istorya na kung saan ay nude painting model siya. Period ang pelikula na naganap during the 50s sa direksyon ni Paolo Villaluna at line produced ni Jon Red.
Sa kabila ng napaka-daring niyang role, hindi naman daw nagalit ang boyfriend niyang si Danilo Barrios sa ginawa niya. Tahimik lamang ito at nakikinig habang sinasabi niya ang mga ginawa niyat ipinagawa sa kanya.
Sa tanong kung nagpapigil ba siya kay Danilo sakaling umalma ito, sinabi niyang "Magnobyo lang kami, hindi pa mag-asawa. Ako pa rin ang may karapatang mag-desisyon para sa sarili ko, pero nag-usap muna kami.
"Di rin kami livein gaya ng paniniwala ng marami, may kanya-kanyang bahay kami. Di kami madalas magkita dahil pareho kaming busy pero kapag pwede, nood kami ng sine, punta ng bar.
"Most of my nude scenes ay naganap habang ipinipinta ako ni Yul (Servo). Sa lovescene namin, tawa kami nang tawa. Maski na si Yul di makapag-seryoso," kwento niya.
Kasama pa rin sa Ilusyon ang isa pa ring Hotbabe na si Jennifer Lee.
"Id like to reinvent myself, to change my image," sabi niya sa maraming naghanap ng kanyang bulaklak.
Ikatlong pagbisita na ito ni Jasmine sa bansang pinanggalingan ng kanyang mga magulang. This time, hindi ang kanyang ama ang kasama niya kundi ang kanyang ina na nung araw ng pa-presscon ng Universal Records na kung saan ay gumawa siya ng album ay nasa Zambales ito at dumadalaw sa kanilang mga kamag-anak.
"Jasmine Trias" ang titulo ng kanyang album na ang unang single na inilabas mula rito ay ang "Lose Control, isang komposisyon ni DJ MOD (aka Joel Macanaya). Isang Korean ballad naman ang second single na ilalabas mula rito na nilagyan ng lyrics ni John Barnard Borja at Ito Rapadas. Ginawan din ng music video ang dalawang awitin. Ang iba pang awitin sa album ay "Excuses", "Inseparable", signature song niya sa A1, "Kung Paano" ni Vehnee Saturno, "DJ Dont Quit", "What You Do To Me", "Cant Hold You Back" at "Dont Go" at ang kolaborasyon niya with the South Border, ang awiting "Once Again". May komposisyon din ang sikat na songwriter/singer na si Dianne Warren, ang "If I Ever See Heaven".
Makikitang mag-promote ng kanyang album si Jasmine sa Podium, Set. 16, 6NG; SM Bacoor, Set. 17, 5NH; SM North Edsa, Set. 18m 5NH. Kakanta si Jasmine at pipirma ng autograph.