Kaya pala nawawala na siya ngayon sa sirkulasyon?
"No, hindi rin naman ako nababakante. For two months, nag-concentrate ako sa isang Malaysian telenobela. One month kami nag-shoot dito sa Pilipinas at isang buwan akong nag-stay sa Malaysia to complete the project. May November, 2005 airing na itong naka-schedule doon at ang dinig ko, under negotiation na ang pagpapalabas nito rito sa atin.
"Isang Pinoy expatriate/politician ang role na na-assign sa akin dito sa serye na may titulong Moving On. Na-link bale ako sa isang Malaysian, portrayed by a top Malaysian model named Irene. This is a co-production venture ng Malaysian at Filipino businessmen.
"Any day now, papunta ako ng Calatagan, Batangas para mag-shoot ng isang British movie. Kristina ang working title na sinabi nila sa akin at makaka-love triangle ko rito ang isang British actor and actress. Sampung araw ang usapan namin for me to work on the project, and hopefully, makapag-umpisa na ako ng trabaho sa isang bagong serye, which Im negotiating now with local network."
Hindi ka naman kasama sa film version ng Mulawin? "Hindi na siguro. Kasi, bago pa man magtapos ang serye sa telebisyon, napatay na yung karakter kong si Rasmus. Ang dinig ko, bagong istorya na ito ngayon, kaya wala na yung ibang original cast," pagtatapos ni Gary. BEN DELA CRUZ