UK-Fil singing group sa London

Basta sinabing Pinoy kahit saan pa man mapadako ng mundo, hindi maiaalis ang hilig sa pagkanta.

Katulad ng mga bagets ng grupong Chikitas na bagama’t London based, pero ang mga magulang ay mga Pinoy na binubuo ng apat na babae na sina Christina Hizon (12), Angelica May Luong (12), Mocca Luong (9) at Rachel Sapurco (12).

Sila ang tinaguriang mga batang Sexbomb dancers na pambato ng UK-Fil community sa London. Galing silang apat sa Children’s of the World, isang singing group na galing din sa London na umiikot sa buong mundo para sa isang show for a cause.

Ala-Norah Jones ang plano ng Candid Records sa mga bagets dahil bukod sa mahuhusay silang singers, magagaling din silang tumugtog ng iba’t ibang instrumento.

Si Christina ay kasali sa stage production ng UK tulad ng Miss Saigon, Joseph and the Amazing Technicolor Dreamcoat at may album din siyang "Children’s  Rock & Pop" sa EMI Music sa France. Nag-aaral din ito ng classical violin, jazz piano sa Guildhall School of Music and Drama sa London.

Si Angelica naman ay mahilig mag-drawing at tinanghal siyang Miss Millennium 2001 at Munting Prinsesa 2003. Idol niya si Sandra Bullock. Forte naman nito ang pagtugtog ng flute.

Si Mocca ang pinakabata sa grupo. Nanalo siya sa SABA Hit Society for the Advancement of British Arts in Singing at nakasama sa semi-finals ng biggest talent search sa UK Unsigned. Hilig naman niya ang pagtugtog ng piano.

Si Rachel ang dancer ng grupo na malaki ang paghanga kay Regine Velasquez at nangangarap na maging kilala ring singer balang-araw. Mahusay din siyang tumugtog ng piano.

Ang Chikitas ay may self-titled album na naglalaman ng 9 na original song na ang carrier single ay "Do the Chicky, Chicky Dance" na release ng Zone 7 & Candid Records.
* * *
Ang daming nag-email sa office at nagtatanong tungkol sa bagong business ni Anna Dizon na gustong mag-apply bilang caregivers at nurse sa Europe.

Ang kompanyang pinangungunahan ni Anna na ATD International Services and Training Center ka-partner ang Aidmark UK-LTC, LT na may office din sa United Kingdom.

Ang kanila pong email: info@aidmark.co.uk. Pwede silang tawagan sa (44) 07835 436 962 at tel/fax 366-8315 at 366-8316.

Show comments