Sexy Chef ang name nito - dahil ito ang pangalan ng company nila ng sister niya na isang licensed dietitian and chef.
Kasosyo nila sa nasabing cafe ang cousin nilang si Nino Alejandro.
Pero bago ang Sexy Chef Cafe, nauna nang nag-open ang Stuffdesal sa Market Market! ni Rachel.
Kaya nga lahat ng kinikita niya sa mga shows niya sa abroad, ini-invest niya sa mga negosyo.
Family pala ng magaling magluto sina Rachel. As in most of her kamag-anak, magaling lahat magluto kaya hindi surprise na mapasok sila sa ganitong negosyo.
Ang sister niyang si Barni ang nag-umpisa ng business ng local South Beach diet. Siya ang unang customer ni Barni sa South Beach recipe ng kapatid. Since naging noticeable ang katawan niya dahil nga nami-maintain niya ang body niya, naging in demand ito. Don nag-start ang lahat. Maraming nag-try na mag-order kay Barni.
Hanggang dumami nang dumami ang nago-order. Ngayon, aabot na raw ng 50 clients a day. Kaya nga may sarili na silang rider. Nag-hire na rin sila ng ibang chef at nag-transfer na rin sila ng kitchen.
Eight hundred pesos a day ang budget kung gusto nyong i-try ang South Beach menu ni Barni.
Anyway, sa kabila ng negosyo, hindi pa rin naman nalilimutan ni Rachel ang paggawa ng album. In fact, nagko-compile na siya ng mga kantang isasama sa kanyang gagawing bagong album. Ii-include sa kanyang new album ang revival ng "Alone."
Aside from her new album, may naka-schedule din siyang bar tour - Ratskys Tomas Morato, Sept. 21 and 28; Ratskys Malate, Sept 26; # 19 East Sucat, Sept. 29; Intercon Hotel, Sept. 30 and Dish, October 12.
Feeling ko kasi talaga, walang sakit na hindi kayang gamutin ng kanyang mga herbal medicine. Pero tinatamaan din pala siya.
Kaya kung hindi nyo man siya naririnig lately, may sakit siya.
Tinawagan lang siya ni Tita Ethel Ramos last Thursday, siya na ang personal na nakipag-usap sa director ng Philippine Childrens Hospital para maayos ang naging problema sa anak ng brother ko na ipinanganak ng pre-mature. Kailangan kasing ilipat ng hospital na hindi pala ganoon kadali. Pero nagawan niya ng paraan. Naging madali ang process.
Siya pa ang personal na nakipag-coordinate at tumatawag.
Maraming salamat Vice Mayor Bistek.
Noon pa man, mismong si Tita Ethel ang nagkukwento na madaling kausap si Bistek.
One time daw, na-mention niya rin na baku-bako ang daan somewhere in New York, Cubao kung saan nakatira sila noon. Hindi raw nagtagal, according to Tita Ethel biglang kuminis ang kalsada.
Councilor pa lang daw noon si Herbert.
Kahit nga raw basura ang ireklamo sa kanya, ginagawan ng solution ni Vice Mayor Bistek.
"Seryoso talaga siya sa trabaho. Kaya lang tahimik lang siyang mag-trabaho," sabi ng isang friend ni Herbert na ayaw na lang magpa-mention ng name.
Kaya naman pala magkasundo sila ni Mayor Sonny Belmonte.
Si Herbert din ang concurrent president of the Vice Mayors League of the Philippines.
Sayang nga lang dahil wala siya ngayong regular show.