"May ipinatayo akong gym. Nagtuturo rin ako ng Judo Karate. May ilang negosyo rin ako," kwento ni Ronald nang minsang nagkatagpo ang landas namin. Minsan, nagpapadala rin siya ng talent sa ibang bansa. Hindi naman tumitigil ang mundo niya sa showbiz. Hindi na nga lamang sila nakakapag-produce ng pelikula, dahil napakataas ng tax at mga gamit ngayon sa paggawa ng pelikula. Isa pa, nagtataasan ng presyo ng ibang artista. Milyones pa rin ang asking price.
Ayon kay Ronald, sa panahong ito, dapat tayong magtulungan dahil invaded na ng dayuhang pelikula ang ating bansa. Dati nga naman sa sampung pelikulang palabas, walo o pitong pelikula ang local at tatlo lamang ang pinapayagang ipalabas na dayuhan. Ngayon baligtad na, ang mga dayuhan ang naghahari, hindi na tayo. Maging sa mga telenobela, dayuhan na rin ang nagwawagi. Primetime pa ang oras ng mga Koreanong teleserye.
Tama nga naman, dapang-dapa na ang ating mundo ng showbiz dahil napapabayaan na noon pa man.
Nalulungkot nga si Ronald kapag nakikita niyang wala na yung mga dating action pictures nating pinipilahan.
Wala na rin yung kabi-kabilang gumagawa ng pelikula. May ilang pelikula pa siyang hindi naipapalabas. Humahanap pa ng tamang playdate. Sayang naman, kung hindi ipapalabas, dahil malaking puhunan din ang ginastos nila rito. VG