^

PSN Showbiz

Shooting ng Mulawin, kontrolado na ng GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Katabi namin ang grupo nina Atty. Anette Gozon-Abrogar at Joey Abacan na nagmi-meeting tungkol sa Mulawin the Movie. Nasisilip namin ang magagandang litrato’t sketches ng set at costumes pero, hindi kami makalapit.

Si Dinno Erece, palakad-lakad sa harap nang nagmi-meeting para paulit-ulit na makasilip.

Seryoso ang pinag-uusapan ng grupo’t hindi kami nag-kontrabidang alamin ang mga nasulat na problema sa shooting. Hindi rin kami nagkaroon ng chance na maitanong ang nasagap naming balita na ang GMA Films na totally ang mamamahala sa shooting at hindi na ang Regal Entertainment. Pero, magkasosyo pa rin daw ang film outfits kahit kokontrolin na ng GMA Films ang shooting. Ginawa raw ito para wala ng reklamo’t maging maayos ang shooting.
* * *
Naniniwala si Mark Herras na may kinalaman sa showing ng Lovestruck sa Wednesday, September 14, ang paglalabasan ng mga negative issues tungkol sa kanya at sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Hindi alam ni Mark kung bakit nali-link siya kay Pauleen Luna, eh, hindi pa raw niya ito masyadong kilala kahit parehong si Lolit Solis ang kanilang manager.

Pero, hindi namin pinaniwalaan na dahil sumama ang tiyan kaya, nag-walkout sa Startalk si Jennylyn dahil iba ang sinabi ng girlfriend. Sanay na si Mark na natsitsismis sa iba’t ibang babae kaya, hindi na nagri-react.

Pero, nang akusahang gumagamit ng marijuana, umalma na ito. Nag-dare itong ipa-drug test sila ni Rainier Castillo para patunayang mali ang inaakusa sa kanila. Nainis din ito dahil pati si Mike Tan ay idinamay gayong matagal na nila itong hindi nakakasamang lumabas. Kukuha ng driver’s license si Mark at magpapa-drug test siya. Malalaman daw sa resulta na sinisiraan lang sila ni Rainier.
* * *
br>Mukhang hindi na muna makakabalik sa ABS-CBN si Tessie Tomas dahil madadagdagan ang show niya sa GMA-7. Although sa Ch. 11 mapapanood ang Pusong Wagi, ang Siete pa rin ang magpapalakad ng show.

Mala-Wish Ko Lang ni Vicky Morales ang concept ng show at kaya siya’y excited dahil magkakaroon na siya ng chance na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Naikuwento na ni Tessie ang tungkol dito sa presscon ng Bahay Mo Ba ‘To at excited ito habang nalalapit ang airing nito. Isa ang Pusong Wagi sa mga show ng Ch. 11 na ilo-launch sa November 11.

Incidentally, ipagpapatuloy bukas ang one month anniversary celebration ng BMBT. Wish ni Tessie na magtagal pa ang sitcom dahil marami ang napapasaya nito.

Ang magandang script, husay magdirek ni Al Quinn at magaling na cast ang sinabi nitong rason kung bakit after one year, nananatili silang number one.
* * *
Bongga ang soap opera na Mahal Ba Ako ng Diyos? na ididirek ni Carlo J. Caparas. Paano naman, ipapalabas daw ito sa RPN 9 at ANC ng ABS-CBN. Nabasa rin namin sa newspaper na pati sa NBN 4, mag-i-air din ito.

Magagaling na actor na kinabibilangan nina Liza Lorena, Isabel Granada at Joel Torre ang kabilang sa main cast. Kasama rin si Ace Faller at childstars ng Ch. 2 na hindi pa binanggit sa amin ang mga pangalan.

Ibinalita rin ng Executive Producer na si Nene Mercado na may mga papasok na bagong character habang nag-i-air ang soap opera. Ang hindi nabanggit sa amin ay kung kailan ito magsisimulang mapanood.

vuukle comment

ACE FALLER

AL QUINN

ANETTE GOZON-ABROGAR

BAHAY MO BA

CARLO J

PERO

PUSONG WAGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with