Aktres, nagtatakbo sa hospital

Takang-taka ang mga tao kabilang na kami kung bakit patakbong pumasok ng isang ospital ang sikat na aktres. Narun pala ang kanyang kamag-anak na naka-confine at dadalawin nito.

Gusto pala ng aktres na hindi siya makilala ng mga tao kaya patakbu-takbo ito ng pasilyo patungo sa kuwarto ng maysakit.

Sinabi naman ng isang nars na hindi naman siya pagkakaguluhan dahil ospital yun kahit maglakad pa siya ng normal.

Naging kontrobersyal ang sikat na aktres dahil sa nakaraan nitong relasyon sa isa ring aktor.
Di Tumitikim ng droga
Napagbibintangan si Mark Herras na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kanyang itsura. Pero inamin nito sa press na never siyang nag-droga. Katwiran nito ay pagod lang siya sa magdamagang taping ng maraming TV shows kaya sobra ang pangangayayat. Hindi na nga ito lumalabas ng bahay para pumunta sa internet café. Masaya rin nitong ibinalita na kukuha na siya ng driver’s license at siyempre daraan siya sa drug test. Hindi siya natatakot dahil never naman siyang tumikim kahit marijuana.

Sa kabilang banda, enjoy siya sa pelikulang Lovestruck dahil puro mga malalapit na kaibigan ang kasama niya. Gagampanan nito ang papel ni Caloy na in love kay Denise (Jennylyn Mercado) pero may iba naman siyang karelasyon sa katauhan ni Sophia o LJ Reyes.

Show comments