The Buzz, ayaw patulan ng GMA
September 11, 2005 | 12:00am
Walang balak na idemanda ng Artists Center ng GMA-7 ang The Buzz ng Dos sa ginawa nitong pasabog noong nakaraang linggo na umanoy gumagamit ng marijuana ang ilang StarStruck stars particular na sina Rainier Castillo, Mark Herras, Dion Ignacio at Alvin Aragon.
Ayon sa head ng Artists Center na si Ms. Yda Henares, hindi na nila bibigyan ng masyadong panahon ang ginawang paninira ng The Buzz.
Hindi ko na papatulan kung anuman ang gusto nilang palabasin diyan. Viewers right now are very intelligent. They can judge for themselves na lang kung talagang nasa mukha ng mga artists namin ang nagda-drugs o ang pagiging adik. How can these kids act well if theyre into drugs? ang mahinahong sagot ni Ms. Yda.
In a way, nagpapasalamat na rin si Ms. Yda dahil binigyan ng time ang naturang programa ang isyu tungkol sa mga bata. Kaya lamang daw sanay gandahan na ang presentasyon sa susunod dahil hindi ito kapani-paniwala.
Duda rin ni Ms. Yda sa layunin ng babaeng nagpa-interview na gusto lang nitong magising sa katotohanan at maituwid ang landas ng kanilang mga talents. Tonton Villamor

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended