Ayaw itong patulan ni Jolina, ni ayaw niyang mag-comment. Feel niya gaano man kaliit ang sasabihin niya, mabibigyan ito ng kulay at mapalalaki out of proportion.
Mas gusto niyang pag-usapan ang kanyang gumagandang career, ang hindi matapus-tapos na pagi-guest sa Unang Hirit at ang pansamantalang paghalili kay Pia Guanio sa "Chika Minute" ng 24 Oras.
O ang bago niyang movie na ginagawan din ng isyu, ang Lovestruck, dahil sinasabi ng ilan na hindi siya ang bida rito kundi ang mga bagets ng dalawang StarStruck na nakaraan, sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Mike Tan, LJ Reyes, CJ Muere, Ryza Cenon. At yung mga Avengers nila, sa direksyon ni Louie Ignacio.
"Okay lang, wala naman akong dapat patunayan sa movie. Ano man ang mangyari, nag-enjoy akong gawin ito at kung mag-hit ito, matutuwa ako para sa kanila," ani Jolina.
Sa malas walang makasisira sa happiness ni Jolina sa magandang takbo hindi lamang ng kanyang career kundi maging ng kanyang lovelife.
Is she ready for marriage?
"Nababanggit ito sa aming pag-uusap ni Bebong pero, di pa napagtutuunan ng pansin. If ever, kailangang pag-usapan muna namin yan ng mabuti.
"Basta ako, walang katakut-takot," aniya sa pananakot sa kanya na baka maagaw ang boyfriend niya sa kanya.
"Sobrang okay kasi si Bebong, sobrang bait at napaka-responsable. Ang ginagawa niya ngayon ay para sa aming dalawa.
"Kung mag-aasawa ako, gusto ko sa St. Patrick Cathedral sa New York. Napaka-tahimik kasi dun, parang magiging solemn ang kasal. Gusto rin ito ng daddy ko. Pero, si mommy dito niya ako gustong ikasal," pagkukwento ni Jolina na gumaganap ng parang isang fairy, si Jandra, sa Lovestruck, siya ang gumagawa ng paraan para magkatuluyan ang mga magkaka-partner. Palagi siyang naka-sumbrero pero at marami siyang disguises.
Pagkatapos tumanggap ng Phil. Marketing Excellence Award (PMEA), muli itong pinarangalan bilang No. 1 Skin Care Product Line ng National Shoppers Choice 2005.
Ang Renew Placenta ay gawa sa mga aktibong sangkap mula sa katas ng mga prutas at bulaklak. Kilala ito bilang epektibong pampaputi at pangpakinis ng kutis na binubuo ng beauty soap, cream, toner at lotion. Para sa iba pang detalye, tumawag sa 7808139/7157604/0919-8076492.
Tampok sa CD ang mga awitin nung 80s, "Almost Paradise" (duet nina JayR at Iya), "Lets Hear It For The Boy" (Iya), "Footloose" (JayR), at ang minus ones nito. Lahat ay inareglo ni Mon Faustino.
Mapapanood ang Footloose the Musical sa Meralco Theater sa Set. 10, 16, 17, 23, 24, 8NG at sa Set. 10, 11, 17, 18, 24 at 25, 3NH. Tumawag sa Ticketworld 8919999/6317252 at 6354478.