^

PSN Showbiz

Sa St. Patrick Cathedral sa New York gustong magpakasal ni Jolina

- Veronica R. Samio -
Tinawanan lamang ni Jolina Magdangal yung panawagang boycott sa kanya ng running priest na si Fr. Robert Reyes, spokesperson daw kasi siya ni PGMA.

Ayaw itong patulan ni Jolina, ni ayaw niyang mag-comment. Feel niya gaano man kaliit ang sasabihin niya, mabibigyan ito ng kulay at mapalalaki out of proportion.

Mas gusto niyang pag-usapan ang kanyang gumagandang career, ang hindi matapus-tapos na pagi-guest sa Unang Hirit at ang pansamantalang paghalili kay Pia Guanio sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

O ang bago niyang movie na ginagawan din ng isyu, ang Lovestruck, dahil sinasabi ng ilan na hindi siya ang bida rito kundi ang mga bagets ng dalawang StarStruck na nakaraan, sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Mike Tan, LJ Reyes, CJ Muere, Ryza Cenon. At yung mga Avengers nila, sa direksyon ni Louie Ignacio.

"Okay lang, wala naman akong dapat patunayan sa movie. Ano man ang mangyari, nag-enjoy akong gawin ito at kung mag-hit ito, matutuwa ako para sa kanila," ani Jolina.

Sa malas walang makasisira sa happiness ni Jolina sa magandang takbo hindi lamang ng kanyang career kundi maging ng kanyang lovelife.

Is she ready for marriage?

"Nababanggit ito sa aming pag-uusap ni Bebong pero, di pa napagtutuunan ng pansin. If ever, kailangang pag-usapan muna namin yan ng mabuti.

"Basta ako, walang katakut-takot," aniya sa pananakot sa kanya na baka maagaw ang boyfriend niya sa kanya.

"Sobrang okay kasi si Bebong, sobrang bait at napaka-responsable. Ang ginagawa niya ngayon ay para sa aming dalawa.

"Kung mag-aasawa ako, gusto ko sa St. Patrick Cathedral sa New York. Napaka-tahimik kasi dun, parang magiging solemn ang kasal. Gusto rin ito ng daddy ko. Pero, si mommy dito niya ako gustong ikasal," pagkukwento ni Jolina na gumaganap ng parang isang fairy, si Jandra, sa Lovestruck, siya ang gumagawa ng paraan para magkatuluyan ang mga magkaka-partner. Palagi siyang naka-sumbrero pero at marami siyang disguises.
* * *
Mukhang swerte ang produktong ini-endorso ni Melanie Marquez na Renew Placenta. Bukod sa mabilis na benta nito, sunud-sunod din ang pagtanggap nito ng award na nagpapasaya ng lubos sa sole distributor nito, ang Psalmstre Ent.

Pagkatapos tumanggap ng Phil. Marketing Excellence Award (PMEA), muli itong pinarangalan bilang No. 1 Skin Care Product Line ng National Shopper’s Choice 2005.

Ang Renew Placenta ay gawa sa mga aktibong sangkap mula sa katas ng mga prutas at bulaklak. Kilala ito bilang epektibong pampaputi at pangpakinis ng kutis na binubuo ng beauty soap, cream, toner at lotion. Para sa iba pang detalye, tumawag sa 7808139/7157604/0919-8076492.
* * *
Inilabas na ng Universal Records ang original soundtrack ng Footloose the Musical na prodyus ng Stages at nagtatampok kina JayR at Iya Villania.

Tampok sa CD ang mga awitin nung 80s, "Almost Paradise" (duet nina JayR at Iya), "Let’s Hear It For The Boy" (Iya), "Footloose" (JayR), at ang minus ones nito. Lahat ay inareglo ni Mon Faustino.

Mapapanood ang Footloose the Musical sa Meralco Theater sa Set. 10, 16, 17, 23, 24, 8NG at sa Set. 10, 11, 17, 18, 24 at 25, 3NH. Tumawag sa Ticketworld 8919999/6317252 at 6354478.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALMOST PARADISE

ANG RENEW PLACENTA

BEBONG

CHIKA MINUTE

FOOTLOOSE THE MUSICAL

HEAR IT FOR THE BOY

IYA

IYA VILLANIA

JOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with