Mabuti na lang at na-compensate ito ng tagumpay ng pelikula niyang Masahista na nanalo ng Best Picture sa Golden Leopard Award sa Lucarno International Film Festival sa Switzerland. Dadalhin din ang pelikula sa Toronto Intl Film Festival.
Masasabing magandang halimbawa si Albert pagdating sa mga ideal showbiz couple dahil napanatili nitong matatag ang kanilang pagsasama ni Liezl.
Kinumusta ko kasi ang mga anak niya "Wala kaming problema ni Liezl sa kanila dahil lumaki silang mabubuting mga anak at never na nagbigay ng sakit ng ulo sa amin," aniya.
Gayunpaman nagpapasalamat pa rin ito sa naitulong sa kanya ng show dahil nagkaroon siya ng exposure at mga tagahanga.
Hindi ba siya natatakot na matsugi sa programa ngayong lumalabas na tila nagrereklamo siya?
"Huwag naman sanang mangyari yun. Wala naman masama kung naging very vocal ako dahil ako lang ang may lakas ng loob na magsabi nito," anang sexy dancer.
Sakali namang mangyari ito ay nakahanda siya. Tutal shes only 16 at marami pang magagandang oportunidad na darating sa kanyang buhay.
Minsan, after ng show ay nakatulog ito dahil nakainom ng marami sa isang music bar. Nakasubsob pa ang ulo nito sa mesa. Maya-maya ay umungol ito, natakot ang alalay-PA kaya dinala ang aktres sa isang ospital.
Ngayon ay nagso-show pa rin ang aktres pero di ko tiyak kung kailangan pa rin niyang tumikim muna ng brandy para maalis ang kaba kahit matagal na itong performer.