Mayron na namang bagong proyekto na pagkakaabalahan ang salon magnate na si
Ricky Reyes. Ito ang
Arangkada sa Kalinisan na kung saan lahat ng mag-aaral sa elementarya at high school ay tuturuang mag-hiwalay ng basura at pagkatapos ay isu-surrender nila ito sa kanilang mga guro na siyang maghahanap ng mga junk buyer. Ang kikitain dito ay ipambibili ng lahat ng mga kailangan ng iskwela. Wala mang pera na kikitain ang mga istudyanteng mag-iipon ng basura pero, bibigyan naman sila ng karampatang grado. Gagawing mandatory ito ng DepEd sa lahat ng public schools, mula grades one hanggang six.
Magkakaron ng launching ang nasabing proyekto sa Taguig, Rizal. Bilang kick-off, lilinisin ang kabuuan ng C5 na pamumunuan ni Mother Ricky kasama ang dating
Unang Ginang Ming Ramos, ang kasalukuyang
Miss Earth at ibang mga celebrities.
Samantala sa Oktubre, bubuksan na sa publiko ni Mother Ricky ang kanyang resort sa Calatagan, Batangas na tinatawag niyang
Golden Sunset. Sinasabi niya na mas maganda pa ang paglubog ng buwan sa kanyang lugar kaysa sa Manila Bay at bilang patunay ay may mga larawan siyang kuha dito na nagpapakita ng pag-iba-iba ng kulay ng dagat habang lumulubog ang araw.
Ang resort ay nakatayo sa isang 15 hectare na lupa. May malawak na languyan sa dagat, olympic sized swimming pool, function rooms for seminars & conferences, billiard, mga cottages para sa dalawahan at buong pamilya. Maganda rin itong pasyalan, bisikletahan.
Sa kabila ng kaabalahan ni Mother Ricky sa pamamahala ng kanyang mahigit na 40 salon sa Kamaynilaan, meron nang
Jamie at
Stephanie na nagbibigay ng kulay sa buhay niya at ng kanyang ka-partner.
Isang
Kapamilya na siguro ay mga taga-
ABS CBN pa lamang ang nakakakilala. Ito si
Delfin Lee na ang kumpanya niya, ang gumawa ng
Bahay ni Kuya sa
Pinoy Big Brother. Sa kanya rin nanggaling ang mga bahay at lupa na naging premyo nina
Erik Santos at
Frenchie Dy nang manalo sila sa
Star In A Million. Matatagpuan ito sa Binangonan, Rizal. May mga projects pa siya sa San Mateo, Rizal (Sta. Barbara 1 & 2), Valenzuela (Chateau Valenzuela) at Mandaluyong (the high rise GA Towers 1&2).
Nagsimula ang partnership ni Lee at ng ABS CBN nang humingi ng donasyong bahay sa kanya para sa isang pakontes ang
Hoy Gising.
Nagbibigay din ito ng tulong na pinansyal sa
Handog Kapatid ng
DZMM para pambili ng wheelchair at mga gamot. Sa dami ng tulong niya sa Kapamilya, maaari na rin siyang tawaging Kapamilya Big Brother.
May gagawing isang malaking musical concert ang
WaterPlus Productions sa Setyembre 24 sa Party Central. Pinamagatang
Christmas In September, layunin ng palabas na maipamalas ang mga talino ng mga artists nila tulad ng
DBodies, DGuyz, Ola Chika, The Point Teens, The Point Kids at
The Contagious Band. Itatampok sa concert ang mga best collection mula sa mga album ng mga nasabing artists.
Pwede nyo nang mapanood sa video ang
Miss Congeniality 2: Armed and Fabulous na nagtatampok kay
Sandra Bullock bilang si
Agent Graci Hart na sumali sa
Miss US Beauty Pageant. Tatangkain niyang resolbahin ang kaso ng pagkaka-kidnap sa kanyang kaibigan na nanalo sa pageant. Mabibili sa halagang P595 (DVD) at P275 (VCD) mula sa
Warner Home Video.
Mula naman kay kasamang
Vir Gonzales ang anunsyong magdiriwang ng kapistahan ang Naujan, Oriental Mindoro sa Sabado, ika-10 ng Set. Makikisaya dito sina
Barbara Milano, Hanna Villame at
Mae "Aray" Rivera sa imbitasyon ni Hermano Mayor
Dr. Manny Hernandez, vice mayor din ng Naujan. Katuwang din si
Mayor Atty. Norberto Mendoza. Magkakaron ng isang konsyerto sa town plaza na pamamahalaan ni
Kon. Jum Bugarin, alay lakad, Smart kids contest, senior citizens day at iba pang selebrasyon.