Hindi naman siya ang pinag-uusapan pero, nagalit si Willie sa pagpapa-interview ng dancer niya!
September 7, 2005 | 12:00am
Natalakan pala ni Willie Revillame ang Wowowee dancer na si Donna Jae nung maglabasan ang interviews nito sa pahayagan nung Sabado.
Ayon kay Donna Jae ay hindi pa raw niya nababasa ang pahayagan dahil tinanghali siya ng gising pero, naunahan na siyang pagalitan ng host ng programa dahil sa ginawa niyang pagpapa-inteview.
Alam naman daw ni Donna Jae na mainit si Willie sa ilang taga-media.
Napaiyak si Donna Jae sa mga salitang sinabi sa kanya ni Willie pero, pumasok pa rin siya sa programa nung araw na yun at ang handler naman daw niya ang sumunod na nagalit sa kanya kasama pa ang director ng show at pinaringgan pa siya ng kapwa dancers ng "Ang kapal ng mukha, pumasok pa."
Sa totoo lang, walang sinabing masama o siniraan man lang ni Donna Jae ang host ng Wowowee.
Tanging ang tungkol kay James Yap na naka-blind date niya, tungkol kay Kris Aquino na pinuri ang suot niyang sapatos, ang pa-suweldo sa kanilang mga dancer ng programa at ang movie producer na si Mike Miranda na niloko siya ang naging topic ng interview niya.
As of now ay napapanood pa si Donna Jae sa nabanggit na game show ng Dos, pero hindi na tinatawag ang pangalan niya, kundi isa na lang siyang blue girl.
Si IC Mendoza na pala ang kapalit ni Teri Onor para sa stage play na Ilusyunada na gaganapin sa Metro Bar ngayong October.
Hindi raw nagkasundo sa talent fee ni Teri kayat napilitan ang producer na si IC na lang ang kunin mula naman sa direksyon ni Soxy Topacio.
Maganda raw ang istorya ng nabanggit na stage play. Ang tanong namin, handa na ba si IC sa ganung klaseng role gayung menor de edad pa ito? Considering na may basbas pa ang kanyang inang si Dolly Ann Carvajal na balitang aliw na aliw daw sa ginanap na pictorial ng anak dahil napapalibutan si IC ng mga kalalakihang briefs lang ang suot samantalang naka-gown naman ang kanyang anak? Tiyak na makikialam na naman ang mga moralista kapag naglabasan na ang publicity photos ng nabanggit na stage play kay IC dahil sasabihin na naman pornograpiya ito.
At gaano rin katotoo na tila irritable si Kuya German Moreno dahil ang tatlong male starlet na kasama sa play ay kasama sa Master Showman na wholesome ang image?
Isa pang napalitan na rin sa kaniyang magandang papel sa pelikulang Kutob, isang horror film ng Canary Films na entry sa MMFF 2005 ay si Dingdong Dantes na hindi na raw makayanan pa sa rami ng ginagawa.
Nanghihinayang ang actor dahil maganda ang role niyang serial killer na sa huli lang malalaman.
At ang masuwerteng pumalit sa iniwang role ni Dingdong ay si Marvin Agustin na masayang-masaya ngayon dahil sa kambal niyang anak.
Ka-join din sina Rica Peralejo at Ryan Agoncillo sa cast, na ikinatataka namin kung bakit hindi nababanggit ang pangalan ni Diether Ocampo gayung siya ang nakalagay na bida nung i-launch ang mga napiling entry sa MMFF 2005. REGGEE BONOAN
Ayon kay Donna Jae ay hindi pa raw niya nababasa ang pahayagan dahil tinanghali siya ng gising pero, naunahan na siyang pagalitan ng host ng programa dahil sa ginawa niyang pagpapa-inteview.
Alam naman daw ni Donna Jae na mainit si Willie sa ilang taga-media.
Napaiyak si Donna Jae sa mga salitang sinabi sa kanya ni Willie pero, pumasok pa rin siya sa programa nung araw na yun at ang handler naman daw niya ang sumunod na nagalit sa kanya kasama pa ang director ng show at pinaringgan pa siya ng kapwa dancers ng "Ang kapal ng mukha, pumasok pa."
Sa totoo lang, walang sinabing masama o siniraan man lang ni Donna Jae ang host ng Wowowee.
Tanging ang tungkol kay James Yap na naka-blind date niya, tungkol kay Kris Aquino na pinuri ang suot niyang sapatos, ang pa-suweldo sa kanilang mga dancer ng programa at ang movie producer na si Mike Miranda na niloko siya ang naging topic ng interview niya.
As of now ay napapanood pa si Donna Jae sa nabanggit na game show ng Dos, pero hindi na tinatawag ang pangalan niya, kundi isa na lang siyang blue girl.
Hindi raw nagkasundo sa talent fee ni Teri kayat napilitan ang producer na si IC na lang ang kunin mula naman sa direksyon ni Soxy Topacio.
Maganda raw ang istorya ng nabanggit na stage play. Ang tanong namin, handa na ba si IC sa ganung klaseng role gayung menor de edad pa ito? Considering na may basbas pa ang kanyang inang si Dolly Ann Carvajal na balitang aliw na aliw daw sa ginanap na pictorial ng anak dahil napapalibutan si IC ng mga kalalakihang briefs lang ang suot samantalang naka-gown naman ang kanyang anak? Tiyak na makikialam na naman ang mga moralista kapag naglabasan na ang publicity photos ng nabanggit na stage play kay IC dahil sasabihin na naman pornograpiya ito.
At gaano rin katotoo na tila irritable si Kuya German Moreno dahil ang tatlong male starlet na kasama sa play ay kasama sa Master Showman na wholesome ang image?
Nanghihinayang ang actor dahil maganda ang role niyang serial killer na sa huli lang malalaman.
At ang masuwerteng pumalit sa iniwang role ni Dingdong ay si Marvin Agustin na masayang-masaya ngayon dahil sa kambal niyang anak.
Ka-join din sina Rica Peralejo at Ryan Agoncillo sa cast, na ikinatataka namin kung bakit hindi nababanggit ang pangalan ni Diether Ocampo gayung siya ang nakalagay na bida nung i-launch ang mga napiling entry sa MMFF 2005. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended