Kate Britt, teenstar na taekwondo blackbelter
September 7, 2005 | 12:00am
Sa kalipunan ng mga kabataang artista ngayon, namumukod-tangi si Kate Britt dahil isa siyang blackbelter sa taekwondo. "Mga 10 years old ako noon nang magka-interest sa martial arts na ito. Nasa Okinawa, Japan pa kami noon," pahayag ng 17-anyos na bagong teenstar.
Bukod sa taekwondo, mahilig din si Kate sa soccer at American football."Naging cheerleader din ako noon," info pa niya.
Si Kate ay ipinanganak sa Clark Air Force Base noong Disyembre 11, 1987. Ang kanyang tatay ay US Air Force, taga-Angeles, Pampanga naman ang nanay niya. Si Kate ay panganay sa apat na magkakapatid.
Bagamat ipinanganak siya sa Pilipinas, ang edukasyon niya ay kinuha niya sa Okinawa, Japan, sa American School sa U.S. Air Force Base. Nag-aral siya sa Bob Hope Primary School at sa Kadena Middle School. Nitong magbalik ang kanyang pamilya sa Pilipinas, sa Laltra Montessori School, Inc. sa Angeles, Pampanga siya nagpatuloy at 4th year high school siya ngayon.
Inihahanda ni Kate ang sarili para sa pelikulang Sanggalang kung saan makakasama niya sina Christopher de Leon at Cindy Kurleto, sa direksyon ni Joey Gosiengfiao. Gaganap siya bilang kapatid ni Sid Lucero. "Nagwo-workshop kami ngayon for our respective roles," info ni Kate.
Ayon sa dalagita, isang mabuting karanasan ang acting workshops. "Dito ko natutuklasan na kailangan ilabas mo kung ano ang nasa dibdib mo. Noong una, medyo nahihirapan ako, kasi ayaw kong ilabas yung dinaramdam ko. Pero ngayon, unti-unti ay nailalabas ko na."
Ang pinaka-karanasan niya sa acting ay noong nasa elementary grades pa lamang siya dahil nakakasama siya sa mga stage plays sa kanilang school. "Doon, nagkaroon ako ng experience in acting, singing and dancing. Hindi ako ganon kagaling pagdating sa pagkanta at pagsayaw thats why I am working on my singing and dancing."
Striking ang beauty ni Kate. Ang height niya ay 57". Tumitimbang siya ng 115 pound. Ang sukat ng kanyang katawan ay 34-24-34.
Ayon kay Kate, supportive naman ang mga magulang niya sa kanyang pag-aartista. "Proud sila sa akin, especially ang Daddy ko who is from North Carolina. Sabi ng parents ko sa akin, maging determinado ako sa pinasok kong ito. Huwag daw ako pasaway."
Bagaman sinasabi niyang nakapokus siya sa kanyang career, isang hindi niya tatalikdan ay ang kanyang pag-aaral. "After high school, I plan to take up a Bachelor of Arts degree major in History. Kahit anong busy ko, I will find time for my studies, no matter what."
Si Kate Gomez Britt ay isa sa maipagmamalaking artista sa ilalim ng pamamahala ni Jojo Veloso. Hindi lang siya maganda kundi matalino pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended