Racquel, Rico o Franzen, sino ang gusto n’yong mapalayas sa bahay ni Pinoy Big Brother?

Galit na galit ang stepdad ni Kristine Hermosa na si Allan Orille sa nasulat na ‘pinababayaan ng aktres ang kanyang tunay na ama na kawawang-kawawa na raw ngayon ang itsura. Sinabi pa na ang nakikinabang at tinutulungan daw ngayon ni Kristine ay ang kanyang stepdad at pakialamerang steplola niya (mama ni Allan). Dagdag din ng nagtatanong sa manunulat kung hindi naging artista si Kristine ay kilalanin kaya siya ng aristokratang steplola?

Ayon kay Allan, "Sana, tanungin muna nila kung sino ang may hanapbuhay at sino ang tambay lang? Huwag nilang idadamay ang mother ko at ako ang kalaban nila!" ito ang iritableng pahayag ng stepdad ni Tintin (palayaw ni Kristine).

Pinaliwanagan namin ang stepdad ng aktres na galing ang katanungan sa isang fan na nag-e-mail sa manunulat.

"Dapat kinuha rin nila ang side namin bago nila inilabas ang isyu. I still find it irresponsible journalism," katwiran pa ni Allan.

Nabanggit uli namin na baka hindi alam ng manunulat ang contact number ng stepdad ni Kristine kaya niya isinulat at sasagutin na lang ito ng kabilang kampo, in the first place, bukas naman ang espasyo para sa Orille family tungkol sa isyu.

At base naman sa pagkakakilala namin sa pamilya Hermosa ay matagal na panahon nang hindi nakikita nina Kristine at Kathleen ang tunay nilang ama simula nu’ng naghiwalay ang magulang nila.

Nu’ng unti-unti nang nakilala ang magkapatid sa showbiz ay dinalaw naman nila ang kanilang tunay na ama at pinayagan sila ng kanilang ina at stepdad.

Ayon din sa aming nalaman ay may iba ng pamilya ang tunay na ama ng magkapatid at naghihirap nga raw. At kung hindi rin kami nagkakamali ay nairita sina Kathleen at Kristine sa tunay nilang ama dahil simula raw nu’ng nakipagkita sila ay wala nang ginawa kundi manghingi ng pera?

Dumating pa sa puntong nagpa-interview ang tunay na ama sa Startalk para sabihing miss na miss na niya ang magkapatid dahil hindi na siya dinadalaw pa.

At ang tunay palang dahilan ay may hinihingi ang tunay na ama kay Kristine na hindi ibinibigay kaya nagpa-interview at sinabing hindi siya naghahabol sa kita ng mga anak. 
* * *
Nakatitiyak kaming malungkot ang Sex Guru aka Erotica na si Asia Agcaoili dahil ang bet niyang si Franzen sa Pinoy Big Brother ay isa sa na-nominate para mapaalis sa bahay ni kuya sa darating na Sabado.

Tatlo ang kandidatong housemates na mae-evict sa Sabado, sina Rico na mismong si big brother ang nag-nominate , sina Racquel at Franzen naman ang ni-nominate ng mga kasamahan nila sa bahay.

Bagama’t nabanggit na ni Asia na baka mapasama nga ang tatlo dahil, "Si Rico kasi, parang OA na masyado, sobrang ma-emote at parating iniiyakan ang picture ng ex-girlfriend, para tuloy scripted na, although type siya ng housemates, so safe siya pagdating sa mga kasamahan niya.

"Si Racquel naman, sobrang bossy na ayaw naman ng ibang housemates dahil feeling nila, under sila ni Racquel dahil nga teacher ito.

"Si Franzen, naawa ako kasi maski alam niyang marami siyang kulang at hindi alam, he’s trying to be nice to everybody. Siya ang gusto kong manalo dahil among the housemates, siya ‘yung in need at nararamdaman ko na sincere siya sa ginagawa niya.

"Sana, hindi siya ang unang ma-evict, sana ‘yung texters, pumili na lang ng mas dapat ma-evict na sa tingin nila ay okey lang kung hindi manalo," paliwanag ni Asia. 
* * *
Hindi pala naapektuhan si Ella V (isa sa Viva Hot Babes) kapag may mga lovescenes siya sa pelikula dahil inilalagay lang daw niya sa isip niya na ‘trabaho lang’ lahat. 

Tulad sa pelikulang Boso na ayon sa mga nakapanood ay grabe raw ang lovemaking nila ni Epi Quizon as in lahat daw ng parte ng katawan niya ay kinalikot ni Epi, pero hindi man lang daw siya ‘tinamaan’.

"Maski na kalkalin pa lahat ng katawan ko, hindi ako tatamaan, pag walang love, wala rin. Kaya hindi uso sa akin ang one night stand kasi hindi ako makati, more on relasyon ako at may love.

"Kaya natatawa ako sa sinasabi ng iba na naa-arouse sila, kasi hindi ko ‘yun nararamdaman."

As of now ay loveless si Ella V dahil break na sila ng basketbolistang boyfriend na tumagal nang apat na taon at okey lang dahil mas gusto muna niyang makapag-ipon bago uli pumasok sa isang relasyon.

"May binabayaran pa kasi akong bahay, pero patapos na kaya kayod muna ako, saka na ang sarap," dagdag pa.

Pansin din namin na maski na revealing magdamit si Ella V ay may pagka-konserbatibo pa rin pala ito dahil hindi raw niya type ang panandaliang relasyon o tinatawag na ‘kati’ lang ng katawan. REGGEE BONOAN

Show comments