Kung hindi babaguhin ang plano ay si Gelli De Belen lang ang ipadadala ng programa dahil bisi-bisihan si Carmina Villaroel sa taping niya ng Darna at si Janice De Belen naman ay tila hindi feel umalis ng bansa ng hindi kasama ang mga anak.
In fairness, may dahilan naman kasi kaya naiinggit din ang ibang shows ng Siyete dahil bakit ang Sis lang daw ang inimbitahang magkober ng event samantalang ang ABS-CBN ay apat na programa ang ka-join sa nabanggit na event, considering na may GMA Pinoy TV na rin naman sa Hongkong.
At ang mga programa ng Dos na magko-kober ng pagbubukas ng Disneyland sa Hongkong ay ang Rated K ni Korina Sanchez, TV Patrol World, Studio 23 at nakalimutan na namin ang isa pang programa.
Naroon ang Rated K, dapat naroon din ang Mel and Joey nina Mel Tiangco at Joey De Leon?
Ka-join din ang TV Patrol World, dapat naroon din ang 24 Oras nina Mel at Mike Enriquez?
At higit sa lahat, naroon ang Sis, dapat ka-join din ang Homeboy?
Nasa Madiraka boutique kasi ang tatlong talent ng GMA 7 at namimili bukod pa sa nakikipag-kuwentuhan pa at tiyempong nakita nga sila ng mga staff ng Dos at nag-conclude na baka may negotiations ang tatlo sa mga bossing nila.
Timing din naman na two Sundays ago, August 27 ay nagparinig ang The Buzz sa GMA 7 na nauungusan na ng Homeboy ang katapat na programa nina Janice, Gelli at Carmina (Sis) dahil sawa na raw ang tao sa perya.
Isa pang timing na kami rin ang nagsulat dito na kung matutuloy ang plano ay baka hanggang ngayong taon na lang ang Sis dahil nararamdaman na rin ng ilang staff ng programa na sawa na ang viewers sa Sis dahil nagkakapare-pareho na raw ang concept.
Naisip na nga marahil ng mga taga-Dos na uunahan na ng tatlong host/actresses ang pagsasara ng kanilang programa at kaya sila nakita sa ELJ Building ay dahil nanghihingi na ng trabaho.
"Susme, namili lang, may isyu na?" ito ang pahayag ng taong malapit sa tatlong host.
"Pakisulat mo uli, hindi pa kami totally, nadadaig ng Homeboy dahil hindi pa nila kami kayang talunin ng isang buong linggo, nakaka-tsamba lang sila," pangangatwiran sa amin.
Binalikan namin ng tanong ang aming kausap kung tuloy ba ang pagsasara ng Sis after 4 years?
"E, nagkaka-diskusyunan pa, kasi lumalaban pa raw at sangkaterba ang commercial load," paliwanag sa amin.
Nasulat namin dito sa PSN na hindi na magagamot ang kaliwang tenga ng binatilyo maski na may hearing aid dahil grabe raw ang lakas ng impact ng pagkakahampas ng ulo kaya naging permanent damage na ito.
Kuwento mismo ng ina ni Kirby na si Mrs. Maita De Jesus sa kasamahan namin sa panulat nung makausap siya sa taping ng Huwag Kukurap, Biyernes ng gabi sa Roces Avenue, Quezon "Permanent damage na yung left ear ng anak ko, hirap nga siyang sumakay ng eroplano kasi me ugong, hindi rin puwedeng nakadikit siya sa amplifier.
"Kinakalimutan na niya ang nangyari sa kanya, in fact sa bahay nga, wala kaming mga diyaryo para hindi siya nakakabasa ng kung anong isyu.
"Hindi na namin binanggit kay Jeff ang permanenteng pagkabingi ni Kirby kasi ayaw na naming pag usapan pa.
"Pero yun ang totoo, minsan nga nakakalimot kami kinakausap siya, minsan hindi niya gaanong marinig at kailangan ulitin pa," kuwento raw ng mommy ng binatilyo sa kasamahan namin.
Alam din ng GMA Artist Center ang kuwentong ito at ang paliwanag nga sa amin ng taga-Artist Center ay awang-awa sila kay Kirby dahil hirap na hirap ito sa present situation niya kaya nangako sila (Artist Center) na tutulungan nila ang binatilyo para hindi naman daw niya maramdaman na may kapansanan siya.
Dahil may order daw sa mga talent coordinator ng programa ng Siyete na hindi muna ige-guest ang mga alaga ni Arnold.
Ito ang tsika sa amin ng kakilala naming talent coordinators sa ilang shows ng GMA na binigyan daw sila ng instructions na huwag munang ige-guest ang mga alaga ni ALV at hindi naman daw sinabi ang dahilan kung bakit.
Kasama ang Channel 11 o Quali TV na pag-aari rin ng GMA 7 sa magba-ban ng mga alaga ni Arnold. Kayat naalala tuloy namin na kaya siguro tinanggihang maging co-host ni Jay R si Bianca King ng management sa reality dance show nilang Ultimate Celebrity Dancer ay dahil si Arnold ang manager ng dalagita?
Ito yung offer kay Charlene Gonzales na mag host pero hindi natuloy dahil nung nagpaalam na siya sa management ng ABS-CBN ay hindi na siya pinayagan dahil gagawa rin daw sila ng reality dance show. Reggee Bonoan