Aktres-aktresan nadenggoy ng P300,000 ng kapatid

May problema ngayon ang aktres-aktresan dahil pinautang pala ng kanyang ama ng P300,000 ang kanyang bayaw na kailangan. Hindi alam ng aktres aktresan na nag-withdraw ang ama nito ng pera sa kanyang account at saka lang sinabi matapos ibigay ang pera sa kapatid.

Hindi na nakatanggi ang aktres dahil mahal din nito ang kapatid kung saan sinabi ng bayaw na gagamitin ang pera sa negosyo. Kaso siya ang may problema ngayon dahil di alam kung paano masisingil ang inutang na pera sa kanya. Wala pa namang project ngayon ang aktres-aktresan na ito.

Aga, paboritong leading man ni Claudine

Sa presscon ng Dubai ay inamin ni Claudine Barretto na paborito niya si Aga Muhlach bilang leading man.

"He’s a good actor. Five years old pa lang ay kaibigan ko na siya, noong time na girlfriend niya ang kapatid kong si Gretchen. It’s fun working with him," anang aktres.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Aga na hindi niya nakitaan ng topak ang magandang kapareha sa panahon na magkasama sila sa pelikula. Sey nga ni Aga "If I have to kiss her wala siyang kaarte-arte. Takot siya sa akin at pag maingay ito ay sinasabihan ko siyang matulog na lalo na sa gabi."
Nainip Sa Dubai
Inamin ni John Lloyd Cruz na sobra siyang na-depressed habang ginagawa ang pelikulang Dubai.

"Yoong two-day shooting ko ay parang 17 days. Nakakalungkot talaga.

Mabuti na lang at mababait ang mga kasama ko kaya nag-enjoy ako habang ginagawa ang pelikula," aniya.

Tinanong namin kung payag ba siyang magtrabaho sa Dubai sakaling hindi siya artista.

"Sakaling kailangan ito para sa ikabubuhay ng pamilya ko, bakit naman hindi. Titiisin ko na lang ang lungkot."
Cascades Sa Pilipinas Ngayon Na
Tiyak na maaliw ang mga manonood at tagahanga ng Cascades dahil sila ang special guest sa Pilipinas Ngayon Na hosted by Press Undersecretary Robert Rivera bukas.

Magpaparinig sila ng kanilang hit song sa cultural segment ng Oh! My Arts. Ang Cascades ang nagpasikat sa awiting "Rhythm of the Rain" gayundin ang "The Last Leaf".

Ang Cascades ay binubuo ng mga miyembrong sina John Gummoe, Tony Grasso, Chuck Crews at Gab Lapano.

Ang Pilipinas Ngayon Na ay mapapanood tuwing Martes sa Channel 4 ganap na 6-7PM.
Para Sa Red Eye
Kapapanood lang sa nag-number one comedy hit na The Wedding Crashes, ang kaakit-akit na si Rachel McAdams ay lalo pang sisikat dahil sa bagong obra maestra ng maalamat na filmmaker na si Wes Craven, na pinamagatang Red Eye. Isa sa pinakamainit na leading stars ngayon sa Hollywood, Si Rachel ay pinili mismo ni Wes para sa papel ng isang negosyante na tangkang pigilan ang pagpatay sa isang prominenteng tao habang siya’y sakay ng eroplano patungong Miami.

Isinilang at lumaki sa Toronto, Canada si Rachel ay nag-debut sa pelikulang My Name is Tanino, na nag-premiere sa 2003 Venice Film Festival. Naging co-star siya sa Perfect Pie na nagbigay sa kany ang nominasyon bilang Best Supporting Actress mula sa Genie Awards.

Punumpuno ng walang patid na suspense na garantisadong magpapabilis ng tibok ng puso ng mga manonood tulad ng nararanasan sa marathon finish run, ang Red Eye ay tinatampukan din nina Brian Cox, Jayma Mays at Jack Scalia. Mula sa DreamWorks Pictures, ito ay ipinamamahagi sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

Show comments