Hanna, adjusted nang mag-isa
September 4, 2005 | 12:00am
Almost two years pa lamang namamatay ang mother ng singer actress na si Hanna Villame at pakiramdam niya tanggap na niya. Dati tuwing may show si Hanna, palaging mommy niya ang namamahala ng mga gamit sa shows.
"Kahit nga mga tapes ko at CD, siya ang nagbibigay sa mga taong involved sa pagpapatugtog nito," kwento ni Hanna.
Natutuhan na raw mag-isa ni Hanna, tuwing may dadaluhang pagtatanghal. Napag-isip-isip din niyang hindi naman pwedeng habang panahon na lang, kakanta na lang siya ng walang aalalahanin. Ngayon, maging sa pakikiharap sa mga press people ay nagagawa na niyang humarap. Dati, mommy niya ang nag-iintindi ng pakikiharap sa mga bumibisitang press. Minsan nga, may hindi naintinding press si Mommy, kinabukasan naging laman na siya ng kolum ng maanghang na balita.
Noong takbuhan sila ng isang promoter, hindi nabayaran si Hanna, ipinagpasa-Diyos na lang niya ang lahat. Hindi niya akalaing may ganoong uri pa pala ng taong nagpapa-show na naririyan at namemerwhisyo. Katwiran ni Hanna, pera lang yung ipinagdamot sa kanya, pero yung konsensiya, kahit mag-abroad ang nanloko, palaging umaatake ito at nambabalisa sa mga maling ginawa sa kapwa. Yun ang higit na mahirap dalhin para sa isang tao. Vir Gonzalez

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended