^

PSN Showbiz

Piolo, cause of delay sa movie nila ni Juday

-
Tiyak na ikakadismaya ng libu-libong tagahanga ng tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual ang balitang ipinapahinto ng pamunuan ng ABS-CBN ang pinakahihintay na soap opera na muling pagtatambalan ng dalawa pagkalipas ng tatlong taon. Minabuti umano ng pamunuan na ihinto muna ang taping ng Kapag Kapiling Ka para mapagtuunan ng dalawa ang pelikulang gagawin nila. Tiniyak naman na muling magre-resume ang taping kung tapos na ang pelikula dahil kailangan itong makahabol sa November playdate.

Noong isang taon pa napabalitang gagawa ng pelikula sina Juday at Piolo at nagbigay pa ng pahayag ang manager ng aktres at sinabi nitong sa Greece kukunan ang nasabing pelikula ngunit humirit daw ang management na gawin na lang ito sa Barcelona, Spain pero hanggang sa pinakahuling kaganapan ay sa Baguio City na lamang ito kukunan.

Maraming malalapit sa aktres ang nangangamba na sa paggawa nito ng pelikula na si Piolo ang makakatambal ay paraan ito para mahadlangan ang gagawing pelikula ng aktres sa ibang movie productions. Nangyari na umano ang pagmanipula sa time table ng aktres noong ginawa nila ni Piolo ang Till There Was You na Oktubre palang ng 2002 ay sinimulan na ang shooting pero lahat ‘yon ay nire-shoot hanggang na move forward ang mga playdates ng pelikula at umabot ito ng May 2003.

Naisip din ng mga "thinking fans" na kung nakatali ang aktres sa pelikula ay posibleng gagawan ito ng aberya tulad nang pagpunta ni Piolo sa ibang bansa para sa series of shows at iba pang aktibidades para di masunod ang time table ng pelikula. Kaya posibleng hindi ito maipapalabas sa Nobyembre kaya magiging dahilan para mawalan ng pelikula ang kanilang idolo na ilalaban sa susunod na award-giving season. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

BAGUIO CITY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KAPAG KAPILING KA

PELIKULA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with