Dona Jae, Samantha, karibal ba nina Kris at Jennylyn?

Hindi masagot ng isa sa myembro ng Wowowee Girls na si Dona Jae kung may kinalaman ba ang boyfriend ni Kris Aquino na si James Yap sa ginawa niyang pagpapalit ng pangalan. Dati kasi ay Donna May siya pero isang source ang nagsabi na inilagay niya ang kanyang second name na Jae bilang pag-alaala sa minsang pakikipag-date niya sa basketbolista. Hindi naman silang dalawa lamang ni James. Apat sila. May kasama itong isang kaibigan at si RU Miranda naman ang nakasama niya.

Si Dona Jae ay 16 yrs. old lamang, isa sa mga bagong myembro ng grupo, may taas na 5’7" at may sukat na 34-24-34. Palagi siyang nakangiti kaya kahit marami sila sa grupo (20) ay palagi siyang kumukuha ng atensyon.

May showbiz roots si Dona Jae. Dating singer sa radio/stage ang mother niya. Nakalabas din ito sa ilang pelikula tulad ng kanyang ama, isang seaman ngayon, na dati ay isang character actor sa Larry Santiago Productions.

May hawig siya kay Bea Alonzo, sa isang movie nito ay dumobol siya rito. Napasama siya sa Wowowee Girls nang mag-join siya sa isang beauty search sa TV. Balak niyang sumali sa Bb. Pilipinas balang araw.
* * *
Iniintriga naman si Samantha Silver, isang 18 year old member ng Hot Tsikz sa magka-loveteam na Jennylyn Mercado at Mark Herras. Sinasabing gusto niyang rumayd on sa popularidad ng dalawa.

Syempre, itinanggi ito ng magandang dalaga na may kapatid na sikat na aktor pero, ayaw niyang sabihin kung sino at baka pagsimulan pa ng panibagong intriga.

Sinabi niyang friends lang sila ni Mark. Nagi-internet siya sa Timog kasama ang ilang kaibigan nang dumating si Mark na may mga kasama rin. Nang makita siya nito ay ipinagtanong nito ang kanyang pangalan, ipinakuha ang kanyang telepono at dun na sila nagsimulang maging textmates.

"Hindi si Mark ang nanliligaw sa akin kundi yung kapatid niya," pagliliwanag ni Samantha na nasaktan nang pintasan siya ng manager ni Mark sa TV. Tinawag nito si Mark na cheap dahil silver lang daw ang pinapatulan nito gayong pwede namang gold o platinum.

Ang grupo ni Samantha na Hot Tsikz ay siyang tampok sa palabas na Xtreme 4 na ipalalabas sa September 15 sa Boysie’s Bar, MH del Pilar. Sila ang magsisilbing modelo na rarampa, suot ang mga creations ni Armando Favia. Babasain ang mga damit bago nila ito isuot dahil wet look ang tema. Sa finale, glitters lamang daw ang suot nila.

Ang Xtreme 4 ay prodyus ng nagbabalik na si Alma Soriano na magiging finale ng show. Ipakikita nito ang isang erotic dance na ngayon lamang masisilayan sa stage. Kasama rin ang Viva Hotmen na sila Alken Miranda at Ethan Zulueta, Paolo Serrano, Harold "Snakeman" Montano, G. Filipinas finalist Chris Sevilla, Mr. Campus Face 2005 finalist Ronnie Magallanes, Xtreme Male Models. Front act ang isang banda. Direksyon ni Mae de Leon.
* * *
Gusto lamang linawin ng Club Mwah na ang hinahanap nilang mga talents ay yung may edad 19 hanggang 23 lamang. Marami kasing nag-apply na mahigit sa 30 yrs. old at wala nang beywang gayong may mga waistline na 23 inches ang welcome at may taas na 5’2" at tipong artistahin. Kailangan din na lahat ng applicants ay may kasamang magulang o consent ng magulang. Mga magulang ang mananagot sa anumang kapalpakan na gagawin ng kanilang mga anak.

Sa linggong ito ay magpapalit na ng palabas ang Club Mwah. Naging matagumpay at well received ang Bedazzled at Folies de Mwah. Ongoing pa rin naman ang Spectaculo, isang magic dinner show.
* * *
veronica@philstar.net.ph

Show comments