Pero sinasabi ng Master showman na natatakot din siya sa nakikitang advancement ng tv. Matapos na may character na lumilipad, sumisisid, nakakagawa ng kung anu-anong mahika sa tulong ng computer graphics, ano pa nga raw ba ang susunod na maipakikita sa tv? Kasi sa bilis ng advancement, masasabing bunga rin ng pag-uunahan ng mga networks hindi lamang sa ratings kundi sa teknolohiyang maipakikita, oras na wala na silang mailabas na bago, baka biglang bagsak din sila.
Inaamin ni Kuya Germs na ang pinakamalaking peligrong hinaharap ngayon ng tv ay iyong maubusan sila ng mga bagong ideyang mailalabas. At oras na mangyari yon, tapos na rin ang kanilang supremacy.
Kaya ang sabi nga ni Kuya Germs, ang ginagawa niya ay kung ano pa rin ang traditional sa telebisyon. Afterall napatunayan niyang epektibo pa rin iyon. Isipin ninyo, iyong kanyang Mastershowman Presents ang lumalabas na number one show ngayon sa GMA Pinoy TV saUS, at tinalo noon ang lahat ng kanilang mga musical variety shows na inilalabas doon. Yong Mastershowman Presents ay napapanood ng umaga sa US. Eh dito kasi sa atin halos madaling araw na yan kung magsimula. Siguro kung nasa magandang timedin yan dito sa atin isa rin yan sa mga topraters sa local tv.
Napanood namin yung nauna niyang video, at nagulat na kami roon dahil nagtuturo siya ng erotic massage at nag-demo pa siya, gamit ang mga sex toys. Hinaluan pa nila iyon ng dalawang lalaking nagme-make love din. Kung doon sa unang na-shock na kami, aywan kung ano nga ba ang mangyayari riyan sa kanyang second video.
Pero kung iisipin mo, mas grabe pa nga riyan ang iba pang mga ibinebentang sex video ng mga video pirates na hindi naman mapigil ng mga inutil na ahensiya ng gobyerno na siyang dapat pumigil doon, eh di hayaan na lang natin si Asia Agcaoili, legal pa iyan at nagbabayad pa ng tax.