Takot siyang umarte sa harap ng kamera, sabi ng isang malapit kay Bianca. Feeling niya, hindi siya kumportableng umarte. Kung papasok man siya sa acting, gusto niya, kahit papaano, may alam na siya.
But Bianca need not rush. So far, okey na okey naman ang TV hosting career niya. Pasado ang hosting skills niya sa Magandang Umaga Pilipinas. Mabilis siyang nakapag-adjust sa mga veteran na sa hosting na sina Tintin Bersola, Julius Babao, Bernadette Sembrano at even kay Ryan Agoncillo. She also does hosting sa Y Speak sa Studio 23. In-demand si Bianca sa print ad and TV commercials.
Tahimik ang personal life ni Bianca. Although mukhang open naman siya sa pag-amin sa relasyon nila ng young TV director Lino Cayetano.
Bianca is under the wings of Boy Abundas Backroom.
Ayon naman sa isang taga-Star Records, "We cannot remember na siya ang may-ari ng said title. Ibinigay namin ang title kay Sheryn dahil siya ang nakikita namin na very deserving sa title na yon.
Pero mukhang mahihirapan itong si Mari sa kanyang paghahabol. Ipina-register ng Star Records ang nasabing title. At kung kanino man nila gustong ibigay ang title, sila ang may rights dito.
Ayon naman sa isang nag-butt in habang kausap ko ang isang taga-Star Records, "Eh di mag-showdown na lang sila para magkaalaman kung kanino talaga dapat ang titulong iyon."