Na-delay lang daw dahil may mga kailangang i-revise sa script.
Isa pang joint project na gagawin ng Star Cinema and Viva Films ay ang movie of Sarah Geronimo and Sandara Park.
Wala pang definite title dahil inaayos pa rin ang script. Saka parehong wala sa bansa sina Sandara and Sarah.
Si Sandara of course ay nasa Korea na naka-schedule dumating ng bansa this month habang si Sarah naman ay may concert series sa London. Kagagaling lang ng grupo nina Sarah, Mark Bautista, Rachelle Ann Go sa Australia.
At any rate, pagdating ni Sarah from London, aasikasuhin naman niya ang preparation sa kanyang solo concert sa Araneta Coliseum on Sept. 30, Sarah Geronimo: The Other Side.
Ayon kay Claudine, nag-decide siyang mag-file ng P8 million suit against Jo Ann dahil sa mas malalim na dahilan na ayaw niyang i-elaborate during the interview after the presscon of Dubai last Monday.
Nauna nang lumabas na bukod sa binyagan ni Sabina, ang adopted daughter nila ni Raymart Santiago, naging basehan din ni Claudine ang artikulo ni Jo Ann tungkol kay Rico Yan at ang bangayan nilang magkakapatid noon para magdemanda.
Say ni Claudine: "Napuno na dahil marami pang iba."
Nabanggit nitong maraming beses ding nagpadala ng memo ang ABS-CBN kay Ms. Jo Ann bago siya nag-desisyong magsampa ng kaso.
Ngayon pinagdarasal ng actress na matapos na rin ang lahat ng issue sa kanila ni Jo Ann. "In Gods time siguro, maayos din ito."
Marami kasing negative reactions sa ginawang pagpa-file ng kaso ni Claudine dahil apektado na sa isinampa niyang kaso ang freedom of expression.
Samantala, alls well na pala sa kanilang magkakapatid. Nag-uusap na sila - she, Gretchen and Marjorie.
Ayaw na lang daw niyang pag-usapan ang tungkol dito.
Proof na ok na sila ay kasama na nga si Gretchen sa entourage ng kasal nila ni Raymart sa January 20 next year. Pero hindi pa niya alam ang participation nito. "Ill ask her pa," sagot ng actress nang tanungin kung si Gretchen ang magiging matron of honor.
Ang alam nang lahat ng tao, hanggang ngayon ay may away pa rin silang magkakapatid.
Samantala, wala pang final venue ang kasal nila ni Raymart kung sa Tagaytay or Subic. Kahit nga January 20 schedule ay indefinite pa rin ayon sa actress.
Pero iba na ang kaso sa Vietnam Rose. "Nauna pa ang script. So marami na kaming nagawang episodes," sabi ni Direk Joel Lamangan na six months contract ang pinirmahan sa ABS-CBN.
May limit din ang taping nila: hanggang 2:00 a.m lang.
Anyway, sabi naman ni Direk Don Cuaresma, muntik nang hindi matuloy ang Vietnam Rose. Ang laki raw kasi ng budget kaya kailangan muna uling ayusin ng ABS-CBN ang budget at mag-decide kung itutuloy pa ba o hindi.
Kinausap ang mga artista at nag-agree lahat na willing silang magpa-discount sa talent fee nila, matuloy lang ang nasabing project. Kasama sa mga naunang magbawas ng talent fee ay si Ms. Maricel Soriano.
Ganoon din si Jay Manalo.
Pero nang tanungin namin si Direk Joel Lamangan kung nagpagbawas siya ng talent fee, sinabi niyang "Hindi."