Kwento sa amin ng taong malapit sa dalawa na nangyari raw ito nung pakontes ng StarStruck 2.
"Hindi ko lang alam kung ilang buwan sila, basta naging mag-on sina CJ at Ryza, remember na parati nilang sinasabi na soulmates sila? Yun na yun, hindi nga lang nabulgar kasi hindi sila halata that time.
"At yun din ang reason kaya ibinalik si CJ dahil nga nakitaan sila ng chemistry at that time at tiyak na magkakatulungan sila as loveteam, nagtataka lang kami kung bakit naging aloof na sila sa isat isa," pagtatapat sa amin.
Kaya naisip namin na kaya siguro sila nag-iiwasan ay dahil pareho pa silang may nararamdaman sa isat isa at pinipigil lang nilang manumbalik ito kaya sila hirap kumilos kapag magkasama na?
Naalala tuloy namin ang binitiwang salita sa amin ni Ryza during the presscon of Love to Love Season 8 na hindi po makatingin sa akin ng diretso si CJ. Sa madaling salita, si CJ ba ang may kasalanan ng paghihiwalay nila ni Ryza?
Pero ang paliwanag naman sa amin ng taong kausap namin ay, "Si Ryza ang may problema, selosa kasi."
"Since, may iba naman akong ginagawa na, so bakit ko pa kailangang gumawa uli ng sex video? Although sa ganitong paraan ako nakilala, kailangan ko rin namang mag-move on, di ba?" magandang paliwanag ni Asia.
Naikwento rin niya na grabe ang Erotica dahil iminuwestra niya ang mga kakaiba at panibagong posisyon sa pagtatalik para hindi magkasawaan ang magkatalik. Reggee Bonoan