Ayon sa aming source ay nagtungo ng ibang bansa ang singer at ipinalabas na nanalo sa isang singing competition. Pero nagtataka sila dahil kung totoo nga ito ay bakit ni wala siyang kuhang larawan sa abroad hawak ang trophy o kayay nagpa-presscon tungkol sa karangalan dahil hawak naman ito ng isang sikat na recording company?
Ayon sa tsika ng aming source ay nabuntis ng ka-live-in ang singer at sa abroad itinago ang paglaki ng tiyan at panganganak. Pero sinasabi pa rin nito na hanggang ngayon ay dalaga pa rin siya.
"Wala doon discrimination kaya malayang nakakapagtrabaho ang ating mga kababayan sa Dubai," anang director.
Maganda rin ang tinuran ni Aga Muhlach, sinabi niyang ipamamalas sa pelikulang Dubai ang buhay ng OFW na naglalarawan ng away-bati ng mga Pinoy, ang paggamit ng tabo, pag-aaway sa pag-ibig at sa pera.
Naitanong din namin kay John kung sino pa ang pangarap nitong makapareha. "I would like to work with Lorna Tolentino dahil bukod sa maganda ay napakagaling niyang umarte. Nagkasama na kami sa telebisyon sa soap opera na Kay Tagal Kitang Hinintay. Kahit pang May-December affair ang tema ng pelikula namin ni Ms. LT ay gusto kong makasama siya. Sa mga young actresses naman ay type ko si Angelica Panganiban dahil magaling din siya," aniya.
May communication pa rin sila ni Ciara Sotto at nanatili pa ring mabuting magkaibigan. Okey lang kung nililigawan ito (Ciara) ni Paolo Ballesteros at natutuwa siya kapag napapanood silang dalawa sa Eat Bulaga.
Zero ang kanyang lovelife ngayon dahil nakatutok ang kanyang panahon sa trabaho.
Hanga sa kanya si Aga at sinabing talagang malayo ang mararating ni John at sinabing kahit sikat na ito ay hindi pa rin marunong magyabang.
"Mahirap dahil hindi naman ako screaming faggot dito. Subdued ang acting ko at isa akong educated, refined na beautician na naging best friend ni Aga," aniya.