Mahirap pero, pwede pa ring mag-Japan!

Marami ang naapektuhan sa biglang paghihigpit ng bansang Hapon sa pagtanggap ng mga local performers natin. For a while ay biglang tumigil ang pag-alis ng ating mga kababayan patungong Japan. Ngayon lamang bumalik ang deployment ng ating mga kababayan sa nasabing bansa.

Hindi naman nakapagtataka na naging mahigpit hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa ibang mga bansa ang bansang Hapon sa pagtanggap ng mga entertainers. Matagal din silang nalusutan ng mga nagpapanggap na entertainers pero ang talaga palang mga trabaho ay mamingwit ng mga mayayamang Hapones.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hinigpitan ang mga requirement sa mga nagdya-Japan. Ngayon di lang kailangan na may talino ka, talaga — kumanta, sumayaw o basta mag-entertain. Hinihingi na rin nila na kailangang nag-aral at nakapag-tapos ang mga magtatrabaho sa kanila ng anumang kurso na may kinalaman sa sining mula sa isang accredited school para dito.

Ang Club Mwah na sinasabing isa sa may pinakamagandang palabas na di lamang mas mataas ang kalidad kundi talagang world class ay may mga performers na nagtapos sa Dance Diva School of Arts, Inc. Isang paaralan na nagbibigay ng 2-year course sa performing arts.

Isa ang Dance Diva School of Arts, Inc. sa kinikilalang paaralan ng bansang Hapon. Dalawang taon na katumbas ng anim na semestre ang haba ng bawa’t kurso na mga lisensyadong guro ang nagtuturo at pinamumunuan ng isang school principal, school director at isang guidance counselor. Pawang lisensyado silang lahat. Pagdating sa huling semestre, nagkakaro’n ng OJT (on the job training) sa Club Mwah. Bukod sa training sa dance, voice at music, lahat ng graduates ng paaralang ito ay tinuturuang magsalita at magbasa ng Nihongo.

Kung type n’yong mag-Japan, kung meron kayong kapatid, kaibigan, kakilala o kamag-anak na gustong kumita ng dolyares o lapad at kung ang edad n’yo ay 19 pataas, maganda at may personalidad, call kayo sa 535-7943/532-2826/631-6009 o pumunta sa Club Mwah, 3rd Flr., The Venue Tower, 652 Boni Ave., Mandaluyong City.
* * *
May music video na ang single ni Jed Maddela na "The Past" mula sa kanyang "Songs Rediscovered" album mula sa Universal Records.

Kasama ni Jed sa video na dinirek ni Jeffrey Tan si Iya Villania.

Na-release na sa Indonesia ang "Songs Rediscovered" at matagal din itong nag- No. 2, sumunod kay Mariah Carey. Susunod itong iri-release sa Malaysia, Singapore, Hongkong at Taiwan.
* * *
Balik na naman sa eksena si Ayen Laurel matapos ang ilang buwang pamamahinga. Nag-guest siya sa concert ni Rueben Laurente na Sounds Like Rueben at guest artist sa photo exhibit ni Jun de Leon.

Sa Oktubre 10, bibigyan siya ng award bilang one of the Best Dressed Women in the Philippines ng Phil. Cancer Society na pinamumunuan ni Imelda O. Cojuangco at magaganap sa Mandarin Oriental Hotel, 7NG. Mga naunang winners sina Chito Madrigal Collantes, Rosemarie Arenas, Carolyn Masibay, Amparito Lhuillier, Criselda Lontok Fernandez, Gina de Venecia Vicky Zubiri at marami pang iba.
* * *
veronicasamio@philstar.net.ph

Show comments