Buti pa ang kakambal ni Richard, tinilian sa Dagupan!

Mukhang mahina ang Kapamilya Caravan sa Dagupan, Pangasinan dahil hindi kilala ng local press doon ang mga artistang ipinadala ng network para dumalo sa event nila last weekend.

Ayon mismo sa kakilala naming media ay dumalo sila sa presscon ng ABS-CBN at ang tanging kilala nila ay sina Carlos Agassi at Bayani Agbayani lang.

"Hindi namin kilala ‘yung dalawang komedyante na pinadala, sabi nu’ng iba, Pokwang at Kit Kat daw ang name. Saan show ba sila? Meron ding mga taga-Star Circle Quest, hindi rin namin tanda ang name," ito ang eksaktong pahayag sa amin.

Nagtalo rin kami ng aming kausap dahil imposibleng hindi nga naman makilala ng mga Dagupeño ang ABS-CBN talents gayung may mga local press din ang Dos doon, ibig sabihin ba ay hindi rin gaanong nasusulat ang mga pangalang nabanggit? Di ba’t claim din ng Kapamilya network na sila pa rin ang number one sa mga probinsiya?

"In fairness, dinagsa rin naman ang ASAP 05 sa CSI Mall, maraming tao ang hindi nakapasok kasi puno na ang mall," dagdag ng aming kausap.
* * *
Matapos ‘tirahin’ ng local press sa Dagupan ang mga taga-ABS-CBN ay nabanggit din nilang hindi naman ganu’n ka-accommodating ang ilang talents ng GMA 7, tulad ni Charmaine Piamonte ng Pinoy Pop Superstar na nakaismid daw parati.

"Parang nandidiri siya sa fans na tinatawag siya, nu’ng bumaba siya ng van, umiwas siya sa tao at hindi man lang ngumiti sa fans na tinatawag siya, samantalang sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at iba pa, panay ang kaway at ngiti. Sikat ba ‘yung Charmaine sa Manila?" tanong sa amin.

At ang pinagkaguluhan daw ng husto ay si Raymond Gutierrez (kambal ni Richard) na talagang hindi tumigil ang hiyawan sa kanya, sumunod si Jaya na nagulat din dahil hindi raw ini-expect na jampacked ang Dagupan Astrodome.

As expected, hindi pa rin natitinag ang Final Four ng StarStruck na sina Mark, Jennylyn, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi. Hindi naman daw gaanong tinilian sina CJ Muere at Ryza Cenon. Hindi naman nabanggit ang name nina Mike Tan at LJ Reyes, kilala kaya sila sa Dagupan?
* * *
And speaking of Ryza Cenon ay aminadong kabado siya dahil may StarStruck 3 na, samantalang hindi pa sila gaanong kilala ng ka-loveteam niyang si CJ Muere.

Aware pala ang dalagita na loveteam lang nila ni CJ ang hindi umaabante kumpara sa ibang taga-StarStruck.

"Hindi ko po alam kung ano ang problema dahil sa part ko naman ay nakiki-cooperate naman po ako. Actually, sabi nga ng director namin sa Maynila, kitang-kita naman na may effort ako, kasi sa eksena namin ni CJ, siya ‘yung hindi nakatingin sa akin ng diretso.

"Nag-usap na po kami ni CJ na dapat maging sweet kami, okey naman sa kanya, kaso parang hindi naman niya ginagawa. Ano po ba ang dapat gawin?" tanong ng magandang dalagita.

Nabanggit naman namin kay Ryza na talagang hindi nga sila nakitaan ng chemistry ni CJ at wala ring kilig factor na nakikita sa kanila, at dapat talaga i-work out nila ‘yun or else, magiging one of those na lang sila sa StarStruck. — REGGEE BONOAN

Show comments